SAMU'T SARING KWENTO

...andito lang ako, pag walang magawa at nagsisiksik sa aking utak ang mga kung anu-anong saloobin, kwento, alaala o kung anu mang maisip isulat. meron ding naiisingit na hindi ko orihinal, katuwaan lamang...tara na...kwentuhan tayo.
Showing posts with label estudyante blues. Show all posts
Showing posts with label estudyante blues. Show all posts

Wednesday, January 5, 2011

YU-PI (UP)




Maganda ang araw ko. buti na lang naka-onlayn ang sister ko sa facebook. naibigay agad nya ang link na nasa taas. aba, sorpresa naman ako, ang anak ko, pasado sa UP!!! ika nga ay proud na proud naman ako sa panganay kong anak. malapit na nga pala syang mag-college. ganun ba kabilis ang panahon? ilang libong estudyante ba ang nangarap makapasok sa University of the Philippines. Wow! Big time! Matalino! 'Yun ang dating mo pag nasa UP ka. Nangarap din ako minsan na makapasok dito. 'yun nga lang, hindi ko masyadong sineryoso entrance exam na 'yan. ni hindi man lang kami ni review ng titser o wala man lang clue sa amin kung ano ang exam na yun. Kulang sa review at encouragement. Ayan tuloy, hindi ako pasado. (andaming sinisi, hahaha)

Isa lang naman hiling ko: Sana makatapos ng college ang anak ko. sana ang UP ang maging simula ng kanyang magandang kinabukasan. Congrats CJ, anak!

Thursday, December 30, 2010

ang simula





ay bakit naman dun ako itinayo sa class piktyur na ito. ayun, yung me guhit na pula, halos hindi ako makita. feeling sumilip lang ako sa piktyur. hahaha. nakakatuwa namang balikan ang eksenang ito. kindergardten kami. limang taon at kalahati ako halos dito sa larawan.
ako naman ay nag-"A-B-C" (a-bi-si).yung tipong papasok din sa isang iskul-iskulan. ako'y saling pusa pa nga at napakabata ko pa daw sa edad na tatlong kalahati. naging honor ako, kaya parang napilitan na silang ipasok ako sa kinder kahit 5 taon lang ako. hindi pa uso ang nursery o prep noon.

hanggang ngayon ay kilala pa ako nyang si Miss Baragula na titser namin sa kinder. Misis na ata sya, hindi ko lang alam kung ano na apelyido nya ngayon. yung iba dyan na kaklase ko, hanggang hayskul ay kaklase ko din. at hanggang ngayon ay kabarkadang tunay talaga. kahit matatanda na kami, este medyo me edad na...wala ba'ng ibang salita na hindi magmumukhang matanda? hayaan ko na..basta masaya at matatas ang aming barkadahan na nagsimula dito sa eskwelahang iyan. habang aming pinag ti tripan ang ibang mga boys sa piktyur dito, panay ang aming pagbabalik ng nakaraan. walang humpay na halakhakan ang inabot namin sa pang-aasar ng mga kaklase namin dito sa piktyur.

sarap balikan kung sa'n kami nagsimula.

Wednesday, December 29, 2010

kwentong kaleyds




50 mga di ko malilimutan nung college pa ako. sa CEU ako nagtapos, sa mendiola, manila. mga 90's!

50) first year ako sa CEU, ilang beses ba akong naliligaw sa mga buildings at classroom. ang alam ko lang canteen. maliit lang naman pala nung kalaunan. medyo me kalumaan na nga lang. siguro naman renovated na ngayon.

49) bumabaha sa recto. lakad pauwi... sira ang sapatos sigurado

48) bopis, longganisa, pritong itlog: pagkain namin lagi sa bahay. board and lodging kasi kami.

47) Webster sa me kanto ng recto malapit sa CEU, lagi ako dun, ikot-ikot

46) Corona school supplies, sa me kanto din ng mendiola. madalas akong greetings card ang binibili dun at bookmarks

45) San Beda boys na mga gwapings at badings sa tapat ng school.

44) La Consolacion College. kapitbahay naming school. Nag-klase rin kami dyan ng ilang buwan nung minsang nag rerenovate sa CEU.

43) CEU uniform na animo'y masahista kami. ibinababa namin ang belt, para hipster ang dating.

42) baked macaroni or pancit: ang walang kamatayang order ng barkada sa canteen

41) puding. laging dala ng classmate ko, maigi ring meryenda.

40) library, suki ako dyan. pag vacant din lang, read lang ako ng read at borrow ng books

39) leotards and skirt for PE uniforms. yaks, ang baduy!

38) pwede pa dati naka CEU t-shirts kami and pants pag friday eh.

37) Ma'am Hernandez, ang terror ng group dynamics. sa loob lang ng classroom. pag wala kami sa room, super bait naman nya. asa'n na kaya sya?

36) 'Yung teacher namin sa developmental psychology, nalimutan ko na ang name..na halos naubos na oras namin sa mga kwento nya sa buhay. =)

35) quek-quek, isaw, bituka, bbq, banana q, kamote q..nagkalat sa recto

34) round trip. wise talaga mga drivers, palibhasa trapik, doble tuloy pamasahe namin

33) Jollibee sa legarda. suki kami dyan

32) "mga kababayan" ni Francis M. super patok those times

31) ang malakas na lindol noon na nagpabagsak sa Hyatt Hotel sa Baguio at maraming school sa North. buti na lang foundation day ng CEU, wala kaming pasok.

30) Pretty Woman movie. ilang beses ko ba'ng pinanood yun?

29) ang mga compulsary na tickets sa school, na ewan ba, sapilitan lagi. me extra points daw pag bumili.

28) NCMH. national center for mental health. ang nakaka excite na mundo ng mga me sakit sa utak. mahigit 2 buwan din kaming nakadestino yata dun. intact pa naman utak ko nung natapos OJT.

27) ang 3 heeled white shoes, na nang torture sa maliliit kong paa. hahaha.

26) National Library, na halos bulatlatin na naming magkaka-klase ang buong building, kaka research ng mga psychological evaluation and projects na 'yan

25) CEU lobby. vacant period, tambay lang, lahat ng dumadaan me comment kami ng barkada, bulungan..."gwapo nun"..."ay baduy naman"...

24) Graduation sa PICC, yehey!

23) ang mga makabagbag damdaming iyakan at confessions sa retreat sa Don Bosco church sa batangas.

22) 'yung napili ang thesis paper namin sa contest. aba, proud naman kami. ako lider-lideran ng tropa. naka 94% naman kami ng grade sa defense. pero di naman kami nanalo sa contest. oks lang.

21) 'yung one time na nag walk out kami sa class at sumali kami sa rally-rally with the students of CEU. napagalitan kami ng adviser, hahaha. "class, let's have a quiz, parusa nyo!"

20) MET. metropolitan theater. madalas kaming manood ng plays dyan. as in required!

19) Sem-break, nakakarating sa cavite, nangunguha ng pinya...

18) table tennis. hindi ako marunong. natuto lang sa PE. ayoko ng swimming, mas hindi ako marunong nun.

17) National Book Store. ayan, suki ako dyan. mahilig akong bumili ng books at cassette tapes pa noon, lalo na pag me discount or on sale.

16) Mr. Nograles, ang fave teacher ko. Consumer Math subject yun. hindi naman ako magaling sa numbers, pero lagi nya akong binibigyan ng flat 1 na grade. (me crush sa 'kin?) isip ko lang yun. hahaha. in fairness, matyaga naman talaga ako dun....na pumasok, hahaha.

15) Foreigner classmates. sila ba 'yung tipong concentrate ka sa explanation ng teacher tapos kukuhitin ka, magtatanong kung ano ang sinasabi ng teacher. mostly iranians, pakistanis classmate ko sa pre-dentistry.

14) yes, Pre-dentistry po ang una kong course, after 2 years, nagshift na ang beauty ko. i made up my mind na sa psychology talaga ang nasa puso ko. charing!

13) bakit nga ba walang sumusundo sa akin sa school? kakainggit minsan mga classmates ko, me mga nakaabang na sa gate: knights in shining armours nila. ako wala! conflict naman kasi sked ng bf ko sa sked ko. sige na nga malayo ang Mapua sa CEU, pampalubag loob. =)

12) ang di-bombang gas na lutuan. na minsan ang hirap gamitin, nangangasunog pa ang buhok ng utol ko kakasindi.

11) ang inuman blues sa hagdanan, habang bumabaha sa loob ng boarding house namin sa palmera street. tuloy ang tagayan, kantahan at kwentuhan.

10) red typewriter. maraming kinita yun. nasa'n na nga ba yung fave kong typewriter na yun? raket ko na kasi mag type ng thesis, reaserch papers. 4pesos din per page. pang-allowance na rin.

9) telebabad. dahil sa contest sa radyo, lagi kaming nasa telepono. "Revicon everyday, ito ang kompleto". yun lang sasabihin with full power and emotion, me premyo na. sa'n na nga ba'ng radio station yun? 89.9?

8) sunog. naku 1990 ata yung malaking sunog sa apartment kung saan kami nakatira. yung aming unit lang natira. naging call center tuloy ang bahay namin. yung mga bagong dating from xmas vacation, nagulantang at tupok ang bahay, gamit, etc nila. sa amin muna nakitulog at kain yung iba.

7) villaverde. pag wala kaming allowance padala sa villaverde express. yun ay sasakyan na lucbanin kung saan pwedeng magpadala si tatay ng allowance o pagkain papuntang manila. kumakatok yun, madaling araw pa lang. "Teena, paktura" sinisigaw na 'yun sa gate namin.

6) sardinas at meatloaf. winner na winner na ulam pag walang mailuto. ginagawa pa naming sauce ang sardinas sa pasta. masarap din pala.

5) trobol. sa kalye namin sa tinitirhan ko (Palmera St, sa sampaloc, manila) maraming siga ang nakatira dun. sanay na kami sa lumilipad na bote at naghahamunan ng away lalo't mga lasing na.

4) Balic-balic. dyan kami lumipat nung ako'y third year college na.

3) Karaoke. ang kapitbahay iniistorbo namin kaka-kanta (o kakasigaw) kahit walang okasyon. mga feeling singers.

2) Morayta. Ever. Shakey's. Dimsum, Chowking, Cindy's...suking tambayan pag vacant period.

1) rally at strike sa mendiola. patok 'yan. walang pasok sa school. Yehey!

hayskul

ansaya ng high school di ba? andaming memories.
pito kaming girls na barkada. bansag sa tropa: 2-2-Bees (parang tutubi) paroon at parini.
'yung mga barkada naming boys, meron ding pangalan ang tropa nila: Unknown Ltd.
ewan ba kumbakit usong-uso nun yung me tawag sa tropa. parang kelangan pa ba'ng iparegister sa patent office? kakatuwa. Fraulein, Fhootsleg, etc. kung ano lang mapagkatuwaang bansag.


tambayan namin sa harap ng simbahan, dun sa me ten commandments sa st. louis parish church.
minsan nakakarating sa sementeryo...naghahanap ng thrill pag vacant time, me bitbit na ice candy o di kaya banana-q.




ang JS Prom? uy, nakaka excite. magsusuot daw kami ng semi-formal. i decided to wear white. you could never go wrong with white ika nga. pinatahi ko pa 'yun sa Dakila sa lucena city. parang 2thousand pesos. mahal na 'yun nun!


hindi ako mahilig mag make-up, pero sabi ng barkada, sumama na lang ako sa kanila. dun sa hairstylist na bading, magaling mag make-up. kaya ayun, papulahan kami ng nguso. uso 'yun eh. patigasan ng buhok sa spraynet.




'yung crush ko? meron ba? meron nga, pero secret syempre. baka mamaya tuksuhin ako ng barkada. 'yung me crush na lang sa akin.
ay! marami...mayabang ako dyan! hahaha.
merong nanghaharana, merong nag-aabot ng love letter, merong nagpapadala ng regalo: figurine o stuffed toy o di kaya'y poster nung dalawang bata na magkatabi. hot na hot yung poster na yun nung 80's.
wala na akong nakikitang ganun.


masarap balikan sa alaala yung high school moments. me umiyak na ba sa aming teacher? nasermonan ba kami ng adviser? mukhang oo ang sagot sa dalawang tanong na 'yan. but, in fairness, hindi naman kami bulakbol. ok naman ang grades namin. in fact, kabilang ako sa top ten.


takot ako sa numbers, so mas madalas bokya ako sa algebra, trigonometry o physics. pero sa english at ibang subjects, aba eh, humahataw naman ako dyan. uso pa spanish subject nung time ko. "adios patria adorada...." minemorize pa namin at nirecite yung napahabang tula ni jose rizal.



field trip sa manila nung fourth year. kung saan-saan namasyal. PAL airport, Fort Santiago, Bahay ni Apolinario de la Cruz, Carnival sa Cubao. syempre exciting, promdi kaya kami.





minsan after school sa "barracks" ang tambay. yun ang tawag namin sa bahay nung kaklase namin. 'yung sa "ex" ko actually. nanonood kami ng betamax, kulitan ang barkada, magpapaluto ng pancit, at bibili ng bulyos o bonete for meryenda. solb na!






nakakatuwa talagang alalahanin ang hayskul. dun lahat nagsimula: friendship, first love, first dance, etc. hanggang ngayon kami pa rin ng barkada. nagkikita-kita pag me chance. me bitbit na asawa at mga anak na. magkakalayo man kami ng bansa, tuloy pa rin ang communication. andyan naman ang emails at FB. buti na lang.


wala nang sasaya pa sa high school days!