SAMU'T SARING KWENTO

...andito lang ako, pag walang magawa at nagsisiksik sa aking utak ang mga kung anu-anong saloobin, kwento, alaala o kung anu mang maisip isulat. meron ding naiisingit na hindi ko orihinal, katuwaan lamang...tara na...kwentuhan tayo.
Showing posts with label pinoy. Show all posts
Showing posts with label pinoy. Show all posts

Saturday, October 29, 2011

HOY !!!




Pinoy ako. Pinoy kami. Pinoy ka, kasi nakikibasa ka dito. =)

Mga SALITA na Nauugnay sa Pinoy:

1. HOY - bakit ba sanay na sanay tayong bumati ng "Hoy!"? me pangalan naman 'yung tao. ewan ba, sanay na tayo na ganun ang pagbati, pagtawag o pagpaparamdam.

2. KUWAN/ANO - 'yan din ang parating pasakalye, o sinasabi pag hindi mo madiretsa ang salita. pero dyan kayo bibilib sa pinoy, kasi nagkakaintindihan sila sa mga salitang yan.

3. PO, OPO, HO, OHO - pinoy lang ang merong ganyang mga kataga bilang pag respeto sa mga nakakatanda. maging kilala man o hindi kilalang tao, basta nakatatanda, parating me "po" sa huli ng salita. sa modernong buhay ngayon, bihira na rin ang mga batang manganopo. sana naman walang makalimot sa mga katagang ito.

4. BAHALA NA - "bahala na ang diyos", "bahala ka na". ito ay ginagamit ng pinoy sa anumang desisyon na walang katiyakan kung tama o mali.

5. SUSMARYOSEP - ito ang pinaiksi ng Jesus-Maria-Jose. kalimitang nagiging ekspresyon pag merong mga nakakatakot, nakakagulat, o nakakalungkot na pangyayari. napapakrus pa nga ang mga matatanda habang bumibigkas ng salitang ito.


Wednesday, January 5, 2011

kakaiba

5 mga bagay na uniko sa pagiging isang pinoy.


1. DYIP (JEEPNEY) - eto ang number 1 na pang commute ng mga pinoy. mura lang ang pamasahe kesa taxi o van o kung ano pa.
Makulay:  Sangkaterba ba naman ang stickers at drawings sa loob at labas ng dyip.
Mabilis: in ader words, humahagibis o lumilipad sa bilis. parang laging nagmamadali ang mga draybers. para daw makarami.
Maingay: todo ang bolyum ng radyo o musika. kelangan talaga sisigaw ka ng malakas na "PARAAAAA!"
Eto mga walang mintis na maririnig mo sa loob ng dyip:

"Mama', sa me kanto lang"
"Eto bayad oh, pakiabot po"
"Yung mga wala pang bayad dyan, pakisuyo na nga lang po"
"Walang bababa, hold up 'to" (tyempohan lang..hehehe)


2) TABO - isang makapangyarihang pansalok o pang-igib ng tubig. Gamit sa paliligo, paghuhugas, at kung anu-ano pa. Naranasan mo ba 'yung bibilang ka muna ng tatlo bago magbuhos ng tubig mula sa tabo. "wan, tu, tri...." sabay buhos ng tubig...wuuuuu..anlamig!



3) SARI-SARI STORE - munting tindahan. dito ka pwedeng bumili ng tingi-tingi. isang stick na sigarilyo, 1/4 kilo na asukal. 1/4 litro ng gas, langis, suka, o toyo. Limang kendi. Beer na nasa plastic na may straw.

"Isa ngang sardinas, pakilista muna"


4) KAMAYAN - wala nang suswabe pa pag kumakain ng naka-kamay. yung ultimong butil ng kanin o ulam ay sisipsipin mo pa sa daliri. Namnam talaga ang sarap ng putahe. Mas magana daw kumain pag gamit lang ang kamay, lalo na pag nasa piknik o anu mang salu-salo ng barkada o pamilya.


5) BAYANIHAN - Nakasanayan na ng mga pinoy ang pagiging matulungin. o talagang nasa dugo na ito? meron pa ngang kanta "Bayanihan dito sa bayan ni Juan...." Sadyang ang pinoy, kahit di mo tawagin o hingan ng tulong, basta na lang lalapit yan at tutulong sa'yo. Swak yan lalo na sa mga baryo, oag me mga fiestahan. ang paghalo sa malaking kaldero o kawan ng mga putahe, ang pag palakol ng mga kahoy na panggatong, ang pagbuhat sa mga mesa o silya. Patok yan sa pinoy, ang pagkamatulungin.

Wednesday, December 29, 2010

pinoy nga naman



Kakaiba talaga ang pinoy…

Pinoy Ka rin tulad ko.
nasa ibang bansa ka man o nasa Pinas…
sigurado..pinoy na pinoy ka pa rin - sa puso’t diwa…

Madali lang namang mahalata ang pinoy di ba?
Kahit pa ba english (or any foreign language) speaking,
mapapansin mo pa rin.

Unang-una, madalas na nakangiti ang mga pinoy.
Ewan ko ba?
Ganun din yata ako..
kahit di kilala ang katabi pag nagkatinginan, ngingitian mo…
parang respeto ba o pagiging mabuting tao.
hindi suplado/suplada ika nga.

Pag merong kasalubong. “HOY!”, “UY!”…
bakit kaya hindi agad pangalan ang pambati ano?
Tatango na lang tayo madalas pagsagot.
Hindi tulad sa USA, tipong “hi” “hello”.
Dito sa Italya, “Ciao!”
Ano nga ba pambansang pagbati natin sa pang araw-araw?
“Mabuhay!” - gagamitin mo ba ‘yan sa barkada pag nasalubong?

Hindi di ba…
ayokong mag-isip ng ibang salita para bumati…
basta “Hoy!”, intindi na yun.
Minsan nga “Pssst” lilingon na rin.

Agree ka if sasabihin kong halata mo na pinoy, sa airport pa lang..
tagal mag check-in, kasi laging over baggage.
Daming padala si insan, si kumare, si auntie….
naiiwan na nga sariling dala, wag lang maiwan ang ibang padala na hindi sayo.

Ugali na natin yan. “Kakahiya”…”baka me masabi”
Minsan kung iisipin mo, mali di ba?
Pero, wala tayong magawa, hindi tayo makahindi.

Mahilig din ang mga pinoy sa mga kakaning kalye/pang kanto or sidewalk:
Barbe-Q, Banana-Q, kamote-Q…lahat ata ng Q…
mula paa (adidas) ng manok hanggang bituka.
wala na ngang natira sa manok, tsk tsk tsk.
Hindi lugi.

Sa bawat bahay, mas marami yung merong Karaoke/Videoke set, di ba?
Hindi mawawala sa gathering ang kantahan.
Hilig na ng pinoy kumanta (o ngumawa)
Pag lasing na, agawan na sa mic.
Me napatay pa sa kantang “My Way”, nabalitaan mo?
(Matagal na ‘yun)

Pinoy ugali din ang magbigay ng palayaw.
Naitanong sa akin dito yan ng mga Italyano eh.
Bakit daw me pangalan naman, iba pa ang itinatawag.
Dito kasi hindi uso nickname.

Parang tuwa tayo na me kakaibang tawag sa atin.
Ganda na nga ng name:
Lourdes: nagiging Luding
Lovella, ginawang Bilay
Marianne ginawang Aning.

Yung ibang baduy names naging sosy:
Jose naging Joey,
Miguel, naging Migs
Romualdo naging Aldz

Mahilig din tayo sa acronyms –short cut ika nga.
OA - overacting
TNT - tago nang tago
CR - comfort room
Parang sa chatroom, puro short cut:
TYT, BRB, LOL…etc.

Anyway, minsan mapapaisip ka man o hindi sa kakaibang ugali ng Pinoy,
ngingiti na lang tayo.
tutal mas marami pa naman tayong kaaya-ayang ugali di ba?
Mapagkawang gawa
Maasikaso
Masayahin
Marami pa…baka kulangin space ko dito.

Ganun pa man, just be proud of our own race…
Mabuhay ang Pinoy!

usapang pinoy

matagal ko na itong ginawang site na ito. active chatter pa ako nun. mga 3 years ago. ngayon ko lang uli pinansin. para ma i-share dito. wala na namang mga aktibo dun. lahat halos nag pe-facebook na.
dadahan-dahanin ko na lang ilipat dito ang mga nakasulat dun.

http://usapangpinoy.wetpaint.com/

ipinasa lang

hindi ako masyadong nagbabasa ng mga forwarded emails. madalas hindi ko na binubuksan, erase agad. pero eto, patok!

Parental Wisdom - Filipino Style



Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga mumunti ngunit ginintuang butil na payo na nakuha ko sa aking mga magulang.

1. Si Inay, tinuruan niya ako HOW TO APPRECIATE A JOB WELL DONE:

"Kung kayong dalawa ay magpapatayan, doon kayo sa labas! Mga leche kayo, kalilinis ko lang ng bahay."

2. Natuto ako ng RELIGION kay Itay:

"Kapag yang mantsa di natanggal sa carpet, magdasal ka na!"

3.Kay Inay ako natuto ng LOGIC:

"Kaya ganyan, dahil sinabi ko."

4. At kay Inay pa rin ako natuto ng MORE LOGIC:

"Pag ikaw nalaglag diyan sa bubong, ako lang mag-isa ang manonood ng sine."

5. Si Inay din ang nagturo sa akin kung ano ang ibig sabihin ng IRONY:

"Sige ngumalngal ka pa at bibigyan talaga kita ng iiyakan mo!"

6. Si Inay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang
CONTORTIONISM:

"Tingnan mo nga yang dumi sa likod ng leeg mo, tingnan mo!!!"

7. Si Itay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang ibig sabihin ng STAMINA:

"Wag kang tatayo diyan hangga't di mo nauubos lahat ng pagkain mo!"

8. At si Inay ang nagturo sa amin kung ano ang
WEATHER:

"Lintek talaga kayo, ano ba itong kuwarto nyong magkapatid, parang dinaanan ng bagyo!"

9. Ganito ang paliwanag sa akin ni Inay tungkol sa CIRCLE OF LIFE:

"Malandi kang bata ka, iniluwal kita sa mundong ito, maari rin kitang alisin sa mundong ito."

10. Kay Itay ako natuto kung ano ang BEHAVIOR
MODIFICATION:

"Tumigil ka nga diyan! Huwag kang umarte na parang Nanay mo!"

11. Si Inay naman ang nagturo kung anong ibig sabihin ng GENETICS:

"Nagmana ka nga talaga sa ama mong walanghiya!"

12. Si Inay naman ang nagpaliwanag sa amin kung anong ibig sabihin ng ENVY:

"Maraming mga batang ulila sa magulang. ÊDi ba kayo nagpapasalamat at mayroon kayong magulang na tulad namin?"

13. Si Itay naman ang nagturo sa akin ng ANTICIPATION:


"Sige kang bata ka, hintayin mong makarating tayo sa bahay!"

14. At si Itay pa rin ang nagturo kay Kuya kung anong ibig sabihin ng RECEIVING:

"Uupakan kita pagdating natin sa bahay!"

15. Si Inay naman ang nagturo sa akin kung ano ang
HUMOR:

"Kapag naputol yang mga paa mo ng pinaglalaruan mong lawnmower, wag na wag kang tatakbo sa akin at lulumpuhin kita!"

16. At ang pinakamahalaga sa lahat, natutunan ko kina Inay at Itay kung ano ang JUSTICE:

"Balang araw magkakaroon ka rin ng anak...tiyak magiging katulad mo at magiging sakit din sa ulo!"