SAMU'T SARING KWENTO

...andito lang ako, pag walang magawa at nagsisiksik sa aking utak ang mga kung anu-anong saloobin, kwento, alaala o kung anu mang maisip isulat. meron ding naiisingit na hindi ko orihinal, katuwaan lamang...tara na...kwentuhan tayo.

Wednesday, November 16, 2011

Kapwa


Pedro: Gusto ko maging NURSE, para makatulong sa KAPWA.
Erning: Ako, DOKTOR para makagamot ng KAPWA.
Nene: Ako, SUPERHERO, para makasagip ng nagigipit na KAPWA.
Kiko: Ako, MAYOR, tutulungan ko ang KAPWA ko.
Lino: Ako, PRESIDENTE, para maglilingkod ako sa KAPWA.
Juan Tamad: AKO, GUSTO kong maging KAPWA, para tiba-tiba! =)

Saturday, November 12, 2011

Panalo na Nga!


Napanood ko ang laban ng Pinoy boxer na si Manny Pacquiao at Juan Marquez. Kung di mo papansinin ang scoring, akala mo talaga panalo ang kalaban ni Manny. Andaming opinyon at haka-haka o mga komento tungkol sa huling laban ni Pacman. Ayun sa taas na larawan, 'yan ang score points sa chart ni Freddie Roach, coach ni Pacman.
Katuwaan lang naman po yung larawan sa baba. hehehe.

Ganun pa man, Congratulations Manny!
Show them the 22$milyon MONEY! Ayos!


Saturday, October 29, 2011

HOY !!!




Pinoy ako. Pinoy kami. Pinoy ka, kasi nakikibasa ka dito. =)

Mga SALITA na Nauugnay sa Pinoy:

1. HOY - bakit ba sanay na sanay tayong bumati ng "Hoy!"? me pangalan naman 'yung tao. ewan ba, sanay na tayo na ganun ang pagbati, pagtawag o pagpaparamdam.

2. KUWAN/ANO - 'yan din ang parating pasakalye, o sinasabi pag hindi mo madiretsa ang salita. pero dyan kayo bibilib sa pinoy, kasi nagkakaintindihan sila sa mga salitang yan.

3. PO, OPO, HO, OHO - pinoy lang ang merong ganyang mga kataga bilang pag respeto sa mga nakakatanda. maging kilala man o hindi kilalang tao, basta nakatatanda, parating me "po" sa huli ng salita. sa modernong buhay ngayon, bihira na rin ang mga batang manganopo. sana naman walang makalimot sa mga katagang ito.

4. BAHALA NA - "bahala na ang diyos", "bahala ka na". ito ay ginagamit ng pinoy sa anumang desisyon na walang katiyakan kung tama o mali.

5. SUSMARYOSEP - ito ang pinaiksi ng Jesus-Maria-Jose. kalimitang nagiging ekspresyon pag merong mga nakakatakot, nakakagulat, o nakakalungkot na pangyayari. napapakrus pa nga ang mga matatanda habang bumibigkas ng salitang ito.


Friday, October 28, 2011

Pumili Ka



Marami akong kaibigan
Marami na akong naging kaibigan...
Sabi nga nila, walang limutan
Pero dumarating din ang oras na may aalis, may maiiwan, magkakahiwalay...

Ikaw kaya? Maaalala mo pa kaya ako?

Friday, October 21, 2011

Paalam Munting Anghel

Paalam Yue-Yue. Nasa kamay ka na ng buong Maykapal. Hindi ka na nila masasaktan.
Malupit man ang mundo na kinagisnan mo, mas maraming taong nagmamahal sa'yo.
Sana maging isang malaking aral ang iyong pagkawala sa mundong ito.



Friday, October 14, 2011

nung bata ka ba?...



maraming sinasabi ang mga matatanda nung mga bata pa tayo. merong nakakatawa, merong nakakatakot, merong parang hindi naman totoo. pero bata pa nga tayo eh. lahat para sa atin ay totoo, at sinusunod naman natin ang mga 'yon.

nung bata ka ba, pag me sipon ka, ang ipinupunas mo eh 'yung pundilyo ng tshirt mo o di kaya'y yung braso mo? hindi naman uso yung me panyo ka o tissue paper sa bulsa.

nung bata ka ba, pag me lagnat ka umiinom ka rin ba ng Mirinda orange at kumakain ka ng sky flakes. minsan may kasama pang isang saging. pampagaling daw.

nung bata ka ba, pag bukas ang electric fan tumatapat ka at sumisigaw ng "aaahhhh", para lang masubukan mong umaalon ang boses mo? o di kaya ay magtatali ng lasos sa isang patpat at itatapat din sa hangin ng electric fan? kulang na lang ay maputol ang daliri sa kakulitan na wag hawakan ang electric fan.

nung bata ka ba, ang lapis mo ba ay Mongol? swak na swak ang Mongol na lapis noon, walang ibang markang mas sikat pa dun.

nung bata ka ba, ang tsinelas mo ay Spartan? kahit medyo butas na, ok pa ring isuot.

nung bata ka ba, nakikinig ka ba ng "gabi ng lagim" sa DZMM radyo? kahit hindi mo nakikita 'yung mga mala-"aswang" na character sa drama, ramdam na ramdam mo ang takot at ang bilis ng tibok ng 'yong dibdib sa takot.

nung bata ka ba, naglalaro ka rin ba ng plastic balloon? palakihan ng palobo. pag pumutok diretso sa mukha. anlagkit pa naman.

nung bata ka ba, naranasan mong maglaro ng sungka? pitong sigay bawat butas. tig-pitong butas ang dalawang magkalaban. pabilisan ng pagsalin-salin ng sigay. pagalingang magkamada.

nung bata ka ba, pag naglalakad ka sa bukid o sa mga madadamo o mapunong lugar, nagsasabi ka ng "makikiraan po", "tabi-tabi po"..para daw makaiwas o wag magalit ang mga "nuno sa punso".

nung bata ka ba, naranasan mong maligo sa ulan, lalo na yung unang ulan ng Mayo? sabi nila swerte daw ang unang ulan ng Mayo, pangontra sa sakit.

nung bata ka ba, naranasan mong maglaro ng putik, pinoporma ng iba-ibang hugis, o di kaya yung dahon ng gumamela, dinidikdik, tapos yung katas lalagyan ng konting sabon at tubig, palobo na. ang gagawing palobo yung tingting na ihuhugis bilog?

nung bata ka ba, naranasan mong maglaro ng jack 'n' stone, luksong tinik, chinese garter, luksong baka, tumbang preso, piko', patintero, sipa' at kung anu-ano pang larong pangkalye?

masarap maging bata, masarap na naranasan mo ang lahat o ilan sa mga 'yan.

parehas lang tayo, pangiti-ngiti...patango-tango ngayon...

"Oo, naranasan ko!"

Saturday, October 1, 2011

daloy ng buhay



ambilis naman ng oras. parang kelan lang nasa 'Pinas lang ako, nasa Chowking, ninanamnam ang beef mami. nakakamiss! medyo malamig na rin, pero hindi na dapat mainit ang panahon, kasi oktubre na. dapat nakamakakapal na kaming jackets dito sa Milan. nag-iiba na talaga ang panahon. nung unang dating ko dito sa Milan agosto pa lang sobrang lamig na. ngayon, oktubre, mainit pa rin, lalo na sa tanghali. parang summer pa rin. papawisan ka, mag-aalis ng jacket. malamig sa gabi at umaga. dyan nagsisimula ang sipon, ubo at trangkaso. usung-uso dito yan pag nagpapalit ng panahon.

eto, marami akong pinagkaka abalahan ... blog, facebook, anak, asawa, trabaho, bahay...
tipikal na buhay ng isang ina, maybahay at trabahador.
gigising sa umaga, aasikasuhin ang mga bata, luto ng almusal, ihahatid sa eskwelahan ang mga bata. tapos, punta ng palengke o mag gogrocery,
balik sa bahay, magluluto ng hapunan na, para iinitin na lang pagdating sa gabi mula sa trabaho.
maglalagay ng labahin sa washing machine,
huhugasan lahat ng pinag kainan, pinag lutuan...
mag-aayos ng kwarto, maglilinis ng bahay, habang nakikinig ng radyo.

magbubukas muna ng computer, magtse tsek ng emails, ng facebook, ng blogger.
(tiiiiing, tiiiiing, tiiiiiiiing...) tapos na ang washing machine,
magsasampay.
iinom lang ng juice, kakain ng konting biscuits.
okey na 'yun na almusal.

ambilis lumipas ng oras,
alas tres y media na,
gayak na ulit pagsundo sa mga bata sa eskwelahan.
dadating ang pinsan ko na mag-aalaga sa mga bata habang nasa trabaho ako.
hihintayin ang bus papuntang trabaho.
magbabasa ng libro sa bus. isang oras din ang byahe.
magpapalit ng bus papuntang subway na treno.
lalakad patungong trabaho.
alas 5:45 na nang hapon, ilalabas ang id.
"tuuuut", bubukas ang gate pagtapat ko ng id ko.

"Ciao", babatiin ang receptionist sa lobby.
"tuuut" oopen ulit ang ikalawang gate, bababa sa elevator,
mag-papalit ng damit, iiwan ang mga gamit.
aakyat ulit sa taas.
"tuuut"..bukas ulit ang gate.

kukuha muna ng malamig na tubig sa vending machine.
"glug..glug...glug..." inom muna.

"Buona Sera"...babatiin ang mga empleyado...

simula na naman ng trabaho...
aba, alas 8:40 na pala ng gabi.
"Andiamo" (tara na) sabi ng partner kong taga-Peru.
"tuuut", lalabas ng gate,
bababa ng elevator..magbibihis na ulit.

aakyat ulit ng elevator. "tuuut", bubukas ng gate.
"tuuuuut" isa pang gate.
alas 8:55 na pala. lakad uli pa subway, sakay ng treno.
palit ng bus...
isang oras na naman.
Ipod na lang, saksak ang earphone sa tenga habang nasa byahe.

ayan, nasa bahay na...alas 9:45 na ng gabi.

"Ciao Mamma..." sisigaw ang dalawa kong anak at sasalubong ang bunso kong babae.
hahalik pa 'yun. nakakawala ng pagod!
hihintayin ang asawa, pagdating kakain na ng hapunan.

ambilis talaga ng araw....
bukas...
isa na namang karanasan.
katulad man ng ngayon o hindi,
ang mahalaga, patuloy ang buhay,
patuloy ang pag-asa,
patuloy ang paghinga.

Thursday, May 5, 2011

para sa La Petit Maison


masarap bigkasin: "uy anak ko yan!"
munting modela sa italya.

bilang ina, proud ako.


Friday, April 22, 2011

kwarenta



sabi nila "life begins at 40"..bakit kaya?
para ka daw bagong anak uli, bagong buhay, bagong simula...

parang half-life ba?
naku ewan..kasabihan lang 'yan. para sa akin ang edad, numero lang 'yun, para lang me panlagay sa mga forms, information sheets o kung anu pa man.
ang edad nasa pakiramdam 'yan, di ba?

kwarenta na ako! pero feeling ko bagets pa rin.
masaya akong nakaabot ako ng ganitong edad na walang karamdaman o kung anuman. ang problema, lagi naman nating katabi 'yan, oks lang yun. part of life.
nakakaraos din naman.
SALAMAT PO LORD!

Saturday, March 19, 2011

10 Linyang Medyo Korni

10.

"Andaya mo. No one has the right to be as CUTE as you are."

(Pa-cute)

9.

"Are you lost? It's so strange kasi to see an angel far from heaven."

(sweet ang dating)

8.

"Did you know they changed the alphabet? They put U and I together."

(hmmm?)

7.

"Do u have a name, or shal i call u mine?"

(cute 'to kahit corny)

6.

"I don't usually do this (approaching strangers),

but i'd rather take the risk than to live the rest of my life wondering what if... "

(sounds familiar!)

5.

"Wag ka ngang ngumiti. Nai-inlab lang ako sayo eh."

(pang high school masyado!)

4.

"Pauwi ka na ba? Pasabay naman."

(mas ok 'to kung may kotse)

3.

"May nakaupo ba dyan? Pwedeng makitabi?

(mas mganda wala nang paa-paalam!)

2.

"Talaga, wala ka pang boyfriend? Ako na lang!"

(presko!)

1.

"Excuse me miss, what's the time? Naglunch/snack ka na ba?"

(effective 'yan basta libre ba eh)

Monday, February 14, 2011

magasin



aba eh syempre ipinagmamalaki ko ang anak ko.
cover girl sya sa isang magasin sa italya. biruin mo yun?
congrats anak!

para sa gustong magbasa/manood/sumilip: punta kayo dito sa link--> http://issuu.com/bimbibelli/docs/n06

Sunday, February 6, 2011

isang ngiti mo lang



Ngumiti ka...
at ngingiti sa'yo ang mundo

Ngumiti ka...
malay mo yun lang ang ngiti na makikita ng kasalubong mo

Ngumiti ka...
isang segundo lang naman..di na kailangan ng effort dun

Ngumiti ka...
gagaan ang pakiramdam mo

Ngumiti ka...
nakakabawas ng wrinkles 'yun

Ngumiti ka...
sasaya ang araw mo

Ngumiti ka...
libre 'yun!

Saturday, January 29, 2011

Thursday, January 20, 2011

kasweet

meron akong nadaanang pahina sa facebook na napaka sweet ang mga notes and dedications sa kani-kanilang mga maybahay o wife. halika silipin natin ang mga nakaka antig na kataga at makabagbag damdaming tribyut ng mga husbands.
inalis ko na lang ang mga pangalan. yung iba merong piktyur...ok na rin naman i paskel dito. pahiram po!

http://www.facebook.com/pages/I-Love-My-Wife-Very-Max/142155019138053

1.) To my fiance , Soon, we will be sharing a love that is so great it cannot be explained by any language in the universe… I promise you that my heart will only be devoted to you. I want to express all my love and my feelings to you, but even eternity is not sufficient enough for me to convey it because of its immensity… I wish I have the power to control time, because if I could only have all the time the world, I purely want to spend all of it with you… “I love you” may already sound cliché, but these 3 words is the best explanation of how I truly feel for you… I will never get tired of this feeling and I will remain on loving you till time ends… This heart of mine that I will give to you on our especial day will surely beats endlessly and it will only beat for you…

March 26, 2011 will be the beginning of our everlasting love, and I want to thank you for accepting me in your life…

P.S

I will forever be in love with you…


2.) I don't care what everybody think or say. I don't need to protect my credibility just to look good. I'm for real and I'll do whatever it takes just to be with you and my kids. Now I understand how LOVE and SACRIFICE works together and this won't make any sense without you. All my ambitions includes you so my Life is meaningless without my MINAMS (Minamahal). I'm good as dead not to be with you... Dead and I will be a unique zombie... a zombie that does not crave for brains... I'll always be craving for your heart. I LOVE YOU FOREVER AND DEATH WONT STOP ME FROM LOVING YOu


3.)

a life without.. a love without.. ocean apart.. million miles away..

a life of far away.. always longing.. but not forgotten..

YOU make me believe.. that someday..

even sea will forbid.. OUR love..



ME to see.. will ever be..


4)

the happiest moment of my life was the time you said i do. it's been a year since we got married, there were ups and there were downs, but never did i doubt the love that we share. a love that came from you, a love that came from me, and a love that was matched by God. every morning of everyday i thank God for making me wake up to a wonderful woman beside me that loves me to the max, and whom i can just stare for hours without blinking to see how blessed i am to have you as my wife! hannah i love you so much until the day after forever.


5.)

To the one who made me who I am today, i know we go through rough roads in our life, but always remember that I will always be here to be with you.. i will never leave you, i will never replace you.. you are the soul of my body, the light in my darkness, the one i turn to when i have problems.. i love you, and i am always thankful for being with me... i love you till the end


6.)

To the best of my life,your the most important person who shared my ups and downs.Your the best one that God had given me.I love you very much and nothing can ever replace you here in my heart.You have given me joy and making me laugh all the time.I will be here for you..............forever.



Sunday, January 16, 2011

tatlo




una, si Carlo James
pangalawa, si Cevrich Jan
pangatlo, si Zendra Kiara

nakatatlo rin pala ako. hehehe!
masarap na mahirap ang maging magulang, ang maging ina.
pero sa bawa't halakhak, at tagumpay, maliit man o malaki...
napakasarap ng pakiramdam ko. ako ang unang lumulundag sa tuwa!
salamat Panginoon sa pinagkaloob mong tatlong anghel sa buhay ko.

minsan lang


"minsan nga lang..itodo na.."















Saturday, January 15, 2011

pahamak na ophiuchus

nagising na lang akong Aries na pala ang zodiac sign ko. Paano na ang mga personalized na tasa, magnet o tshirt na merong Taurus sign? pwede pa ba yung i refund? isoli? ipabago? labo naman oh. panibago na namang simula ng pagiging Aries. 'Yun kayang mga katangian, baka magshift din ah...teka nga...tsk tsk tsk

http://www.unexplained-mysteries.com/viewnews.php?id=198650

Recent changes to the Earth's alignment have resulted in the introduction of a new Zodiac sign.

"Because of this change of tilt, the Earth is really over here in effect and Sun is in a different constellation than it was 3,000 years ago," says astronomer Parke Kunkle. Now not only has a new Zodiac sign ( Ophiuchus ) been introduced but a lot of the existing signs have had their date periods shifted as well. The new ones are as follows:

Capricorn: Jan. 20 - Feb. 16
Aquarius: Feb. 16 - March 11
Pisces: March 11- April 18
Aries: April 18- May 13
Taurus: May 13- June 21
Gemini: June 21- July 20
Cancer: July 20- Aug. 10
Leo: Aug. 10- Sept. 16
Virgo: Sept. 16- Oct. 30
Libra: Oct. 30- Nov. 23
Scorpio: Nov. 23- Nov. 29
Ophiuchus: Nov. 29- Dec. 17
Sagittarius: Dec. 17- Jan. 20

Tuesday, January 11, 2011

itanong mo sa bata

http://www.facebook.com/photo.php?fbid=173802042655192&set=a.173346979367365.28188.151607441541319&pid=294524&id=151607441541319

masarap maging bata. walang problema. kakain, tutulog, iiyak, tatawa...inosente pa, ika nga.
wala nang hihigit pa sa tunog ng halakhak ng mga bata.
itanong mo sa kanila: gusto mo ng kendi?
isang ngiti at tango isasagot nila. simple lang. sana lahat ng bagay ganun ka simple.
sana hindi mawala ang pagkabata sa puso ng bawa't isa.

--eto, siguradong alam mo..kanta ng Asin--

ikaw ba'y nalulungkot, ikaw ba'y nag-iisa?
Walang kaibigan, walang kasama
Ikaw ba'y nalilito, pag-iisip mo'y nagugulo?
Sa buhay ng tao, sa takbo ng buhay mo?
Ikaw ba'y isang mayaman, o ika'y isang mahirap lang
Sino sa inyong dalawa ang mas nahihirapan?

Masdan mo ang mga bata
Masdan mo ang mga bata
Ikaw ba't walang nakikita
Sa takbo ng buhay nila
Masdan mo ang mga bata
Ang buhay ay hawak nila
Masdan mo ang mga bata
Ang sagot ay 'yong makikita
Ikaw ba'y ang taong walang pakialam sa mundo
Ngunit ang katotohanan, ikaw ma'y naguguluhan
Tayo ay naglalakbay, habol natin ang buhay
Ngunit ang maging bata ba'y tulay
Tungo sa hanap nating buhay?
Masdan mo ang mga bata
Ang aral sa kanila makukuha
Ano nga ba ang gagawin
Sa buhay na hindi naman sa atin?

Itanong mo sa mga bata
Itanong mo sa mga bata
Ano ang kanilang nakikita
Sa buhay na hawak nila
Masdan mo ang mga bata
Sila ang tunay na pinagpala
Kaya dapat nating pahalagahan
Dapat din kayang kainggitan ?


Monday, January 10, 2011

syort eksam

Pagsusulit: Piliin kung alin ang tumpak na sagot
Tanong: Sino ang kamukha ng bata?

a) ang nanay


Saturday, January 8, 2011

walang kokontra






oo. ako nga 'yan. walang kokontra. hahaha! minsan lang mangyari sa buhay 'yung maging "model" ka. pose dito, pose doon...emote dito..pa cute doon. para ba'ng artista, hahaha.
napakamahiyain ko pa naman. sabi ko nga, "pwede walang close-up shot?" baka kako magmukha akong buwan sa pagkabilog ng mukha ko. sabi ng kumukuha ng piktyur. "magtiwala ka sa akin...magugulat ka na lang." kaya ayun..smayl smayl na lang ako. hawak sa buhok, hilig nang konti.

ayun. ipinaskel nila piktyur ko sa kanilang pahina sa facebook. ANO???!! "ako ba'to?", pers reaksyon ko. nagulat nga ako! baka 1/4 man lang ng facebook makahagip ng tingin sa larawang 'yan. tsk tsk...o sige na nga, bibitawan ko na ang pinipigil ko kanina pang salita: "BONGGELS!"
isa lang ito sa maraming piktyur na kuha nila.

sabi nga. minsan lang mangyari ang pagkakataong ito. Sugod!

Thursday, January 6, 2011

100



uy, 100 na ang mga naligaw ng landas papunta dito sa blog ko. salamat sa ilang segondong pagdaan sa aking bakuran.

nakakabilib ba?

nakakatuwa naman etong "note" ng bayaw ko sa facebook. hindi pwedeng dun lang yun. kelangang dadalhin ko dito 'yan. syempre, ikaw na ang maging proud na nanay. :)


eto, re-write at baka sisihin pa ako ng mga maduduling. hehehe.

meron akong kilala, di naman sya masipag mag aral, wala nga syang libro sa skul, ni hindi man lang magsulat sa notbuk nya, bukas may examin sya sa skul kung saan sya magkokolege, pa isi isi lang sya habang ang iba ay nagsusunog ng kilay, sa gabi naglaro pa sya ng kompyuter,hayst umaga na naman tumulog,batang are! sabi ng tita nya kinabukasan, huy gising na mahuhuli ka sa eksamin, hay salamat naka eksam din, halos isang buwan ang nakalipas, tita pasado ako sabi nya , weeeeeee di nga,,... aba! yun pala'y entrans eksam lang naman sa UNIBERSIDAD NG PILIPINAS ,, bilib na bilib na ako sayo sa iyong katalinuhan sana ay gamitin sa paaralan... bow!!!


Wednesday, January 5, 2011

YU-PI (UP)




Maganda ang araw ko. buti na lang naka-onlayn ang sister ko sa facebook. naibigay agad nya ang link na nasa taas. aba, sorpresa naman ako, ang anak ko, pasado sa UP!!! ika nga ay proud na proud naman ako sa panganay kong anak. malapit na nga pala syang mag-college. ganun ba kabilis ang panahon? ilang libong estudyante ba ang nangarap makapasok sa University of the Philippines. Wow! Big time! Matalino! 'Yun ang dating mo pag nasa UP ka. Nangarap din ako minsan na makapasok dito. 'yun nga lang, hindi ko masyadong sineryoso entrance exam na 'yan. ni hindi man lang kami ni review ng titser o wala man lang clue sa amin kung ano ang exam na yun. Kulang sa review at encouragement. Ayan tuloy, hindi ako pasado. (andaming sinisi, hahaha)

Isa lang naman hiling ko: Sana makatapos ng college ang anak ko. sana ang UP ang maging simula ng kanyang magandang kinabukasan. Congrats CJ, anak!

kakaiba

5 mga bagay na uniko sa pagiging isang pinoy.


1. DYIP (JEEPNEY) - eto ang number 1 na pang commute ng mga pinoy. mura lang ang pamasahe kesa taxi o van o kung ano pa.
Makulay:  Sangkaterba ba naman ang stickers at drawings sa loob at labas ng dyip.
Mabilis: in ader words, humahagibis o lumilipad sa bilis. parang laging nagmamadali ang mga draybers. para daw makarami.
Maingay: todo ang bolyum ng radyo o musika. kelangan talaga sisigaw ka ng malakas na "PARAAAAA!"
Eto mga walang mintis na maririnig mo sa loob ng dyip:

"Mama', sa me kanto lang"
"Eto bayad oh, pakiabot po"
"Yung mga wala pang bayad dyan, pakisuyo na nga lang po"
"Walang bababa, hold up 'to" (tyempohan lang..hehehe)


2) TABO - isang makapangyarihang pansalok o pang-igib ng tubig. Gamit sa paliligo, paghuhugas, at kung anu-ano pa. Naranasan mo ba 'yung bibilang ka muna ng tatlo bago magbuhos ng tubig mula sa tabo. "wan, tu, tri...." sabay buhos ng tubig...wuuuuu..anlamig!



3) SARI-SARI STORE - munting tindahan. dito ka pwedeng bumili ng tingi-tingi. isang stick na sigarilyo, 1/4 kilo na asukal. 1/4 litro ng gas, langis, suka, o toyo. Limang kendi. Beer na nasa plastic na may straw.

"Isa ngang sardinas, pakilista muna"


4) KAMAYAN - wala nang suswabe pa pag kumakain ng naka-kamay. yung ultimong butil ng kanin o ulam ay sisipsipin mo pa sa daliri. Namnam talaga ang sarap ng putahe. Mas magana daw kumain pag gamit lang ang kamay, lalo na pag nasa piknik o anu mang salu-salo ng barkada o pamilya.


5) BAYANIHAN - Nakasanayan na ng mga pinoy ang pagiging matulungin. o talagang nasa dugo na ito? meron pa ngang kanta "Bayanihan dito sa bayan ni Juan...." Sadyang ang pinoy, kahit di mo tawagin o hingan ng tulong, basta na lang lalapit yan at tutulong sa'yo. Swak yan lalo na sa mga baryo, oag me mga fiestahan. ang paghalo sa malaking kaldero o kawan ng mga putahe, ang pag palakol ng mga kahoy na panggatong, ang pagbuhat sa mga mesa o silya. Patok yan sa pinoy, ang pagkamatulungin.

Sunday, January 2, 2011

pers lab



Sino ang hindi nakaranas ng pers lab?

Sino ang makakalimot sa love story ni April at Jimmy?

Ang tag-lish ng mga kolehiyalas those days. "kadiri-to-death", "kilig-to-the-bones"?

Ang umaalingaw-ngaw na "I don't Want You To Go" at "Come What May" ni Lani Hall?

Ang nakakakilig na love team ni Gabby at Sharon?



Kung inabot mo ang panahong 'yun..isa ka na sa mapapangiti, di ba?

Emote muna tayo sa song ni Sharon...

(DEAR HEART)

komento

hindi ako mahilig gumala sa mga pahina sa facebook, pero kinailangan ko nitong nakaraang linggo. kandidata ang anak kong bunso sa isang pahina, "photo contest: it's christmas time". medyo malupit ang kalaban ng anak ko, italyana. kaya naman kinailangan kong mag doble kayod sa paghingi ng pabor, sa pakisuyo ng boto. marami nang uso na kung anu-anong paligsahan o contest sa facebook. dito rin sa italya, hindi rin naiiba. pinaka mabilis nga namang paraan ang magpa-contest para dumami ang "fans" ng page. kung merong pinopromote ang pahina, tyak papatok yun!

sa pag-ikot-ikot ko, meron akong nakitang isang komento: matapang. diretso. walang preno. pikon? me pinapatamaan?
ewan ko. basta lang gusto kong i-share dito. kanya-kanya namang opinyon ang tao. kaya nga meron tayong "power to choose". nasa atin ang huling desisyon.