SAMU'T SARING KWENTO

...andito lang ako, pag walang magawa at nagsisiksik sa aking utak ang mga kung anu-anong saloobin, kwento, alaala o kung anu mang maisip isulat. meron ding naiisingit na hindi ko orihinal, katuwaan lamang...tara na...kwentuhan tayo.

Saturday, October 29, 2011

HOY !!!




Pinoy ako. Pinoy kami. Pinoy ka, kasi nakikibasa ka dito. =)

Mga SALITA na Nauugnay sa Pinoy:

1. HOY - bakit ba sanay na sanay tayong bumati ng "Hoy!"? me pangalan naman 'yung tao. ewan ba, sanay na tayo na ganun ang pagbati, pagtawag o pagpaparamdam.

2. KUWAN/ANO - 'yan din ang parating pasakalye, o sinasabi pag hindi mo madiretsa ang salita. pero dyan kayo bibilib sa pinoy, kasi nagkakaintindihan sila sa mga salitang yan.

3. PO, OPO, HO, OHO - pinoy lang ang merong ganyang mga kataga bilang pag respeto sa mga nakakatanda. maging kilala man o hindi kilalang tao, basta nakatatanda, parating me "po" sa huli ng salita. sa modernong buhay ngayon, bihira na rin ang mga batang manganopo. sana naman walang makalimot sa mga katagang ito.

4. BAHALA NA - "bahala na ang diyos", "bahala ka na". ito ay ginagamit ng pinoy sa anumang desisyon na walang katiyakan kung tama o mali.

5. SUSMARYOSEP - ito ang pinaiksi ng Jesus-Maria-Jose. kalimitang nagiging ekspresyon pag merong mga nakakatakot, nakakagulat, o nakakalungkot na pangyayari. napapakrus pa nga ang mga matatanda habang bumibigkas ng salitang ito.


No comments: