SAMU'T SARING KWENTO

...andito lang ako, pag walang magawa at nagsisiksik sa aking utak ang mga kung anu-anong saloobin, kwento, alaala o kung anu mang maisip isulat. meron ding naiisingit na hindi ko orihinal, katuwaan lamang...tara na...kwentuhan tayo.

Friday, October 14, 2011

nung bata ka ba?...



maraming sinasabi ang mga matatanda nung mga bata pa tayo. merong nakakatawa, merong nakakatakot, merong parang hindi naman totoo. pero bata pa nga tayo eh. lahat para sa atin ay totoo, at sinusunod naman natin ang mga 'yon.

nung bata ka ba, pag me sipon ka, ang ipinupunas mo eh 'yung pundilyo ng tshirt mo o di kaya'y yung braso mo? hindi naman uso yung me panyo ka o tissue paper sa bulsa.

nung bata ka ba, pag me lagnat ka umiinom ka rin ba ng Mirinda orange at kumakain ka ng sky flakes. minsan may kasama pang isang saging. pampagaling daw.

nung bata ka ba, pag bukas ang electric fan tumatapat ka at sumisigaw ng "aaahhhh", para lang masubukan mong umaalon ang boses mo? o di kaya ay magtatali ng lasos sa isang patpat at itatapat din sa hangin ng electric fan? kulang na lang ay maputol ang daliri sa kakulitan na wag hawakan ang electric fan.

nung bata ka ba, ang lapis mo ba ay Mongol? swak na swak ang Mongol na lapis noon, walang ibang markang mas sikat pa dun.

nung bata ka ba, ang tsinelas mo ay Spartan? kahit medyo butas na, ok pa ring isuot.

nung bata ka ba, nakikinig ka ba ng "gabi ng lagim" sa DZMM radyo? kahit hindi mo nakikita 'yung mga mala-"aswang" na character sa drama, ramdam na ramdam mo ang takot at ang bilis ng tibok ng 'yong dibdib sa takot.

nung bata ka ba, naglalaro ka rin ba ng plastic balloon? palakihan ng palobo. pag pumutok diretso sa mukha. anlagkit pa naman.

nung bata ka ba, naranasan mong maglaro ng sungka? pitong sigay bawat butas. tig-pitong butas ang dalawang magkalaban. pabilisan ng pagsalin-salin ng sigay. pagalingang magkamada.

nung bata ka ba, pag naglalakad ka sa bukid o sa mga madadamo o mapunong lugar, nagsasabi ka ng "makikiraan po", "tabi-tabi po"..para daw makaiwas o wag magalit ang mga "nuno sa punso".

nung bata ka ba, naranasan mong maligo sa ulan, lalo na yung unang ulan ng Mayo? sabi nila swerte daw ang unang ulan ng Mayo, pangontra sa sakit.

nung bata ka ba, naranasan mong maglaro ng putik, pinoporma ng iba-ibang hugis, o di kaya yung dahon ng gumamela, dinidikdik, tapos yung katas lalagyan ng konting sabon at tubig, palobo na. ang gagawing palobo yung tingting na ihuhugis bilog?

nung bata ka ba, naranasan mong maglaro ng jack 'n' stone, luksong tinik, chinese garter, luksong baka, tumbang preso, piko', patintero, sipa' at kung anu-ano pang larong pangkalye?

masarap maging bata, masarap na naranasan mo ang lahat o ilan sa mga 'yan.

parehas lang tayo, pangiti-ngiti...patango-tango ngayon...

"Oo, naranasan ko!"

No comments: