SAMU'T SARING KWENTO

...andito lang ako, pag walang magawa at nagsisiksik sa aking utak ang mga kung anu-anong saloobin, kwento, alaala o kung anu mang maisip isulat. meron ding naiisingit na hindi ko orihinal, katuwaan lamang...tara na...kwentuhan tayo.

Wednesday, January 5, 2011

kakaiba

5 mga bagay na uniko sa pagiging isang pinoy.


1. DYIP (JEEPNEY) - eto ang number 1 na pang commute ng mga pinoy. mura lang ang pamasahe kesa taxi o van o kung ano pa.
Makulay:  Sangkaterba ba naman ang stickers at drawings sa loob at labas ng dyip.
Mabilis: in ader words, humahagibis o lumilipad sa bilis. parang laging nagmamadali ang mga draybers. para daw makarami.
Maingay: todo ang bolyum ng radyo o musika. kelangan talaga sisigaw ka ng malakas na "PARAAAAA!"
Eto mga walang mintis na maririnig mo sa loob ng dyip:

"Mama', sa me kanto lang"
"Eto bayad oh, pakiabot po"
"Yung mga wala pang bayad dyan, pakisuyo na nga lang po"
"Walang bababa, hold up 'to" (tyempohan lang..hehehe)


2) TABO - isang makapangyarihang pansalok o pang-igib ng tubig. Gamit sa paliligo, paghuhugas, at kung anu-ano pa. Naranasan mo ba 'yung bibilang ka muna ng tatlo bago magbuhos ng tubig mula sa tabo. "wan, tu, tri...." sabay buhos ng tubig...wuuuuu..anlamig!



3) SARI-SARI STORE - munting tindahan. dito ka pwedeng bumili ng tingi-tingi. isang stick na sigarilyo, 1/4 kilo na asukal. 1/4 litro ng gas, langis, suka, o toyo. Limang kendi. Beer na nasa plastic na may straw.

"Isa ngang sardinas, pakilista muna"


4) KAMAYAN - wala nang suswabe pa pag kumakain ng naka-kamay. yung ultimong butil ng kanin o ulam ay sisipsipin mo pa sa daliri. Namnam talaga ang sarap ng putahe. Mas magana daw kumain pag gamit lang ang kamay, lalo na pag nasa piknik o anu mang salu-salo ng barkada o pamilya.


5) BAYANIHAN - Nakasanayan na ng mga pinoy ang pagiging matulungin. o talagang nasa dugo na ito? meron pa ngang kanta "Bayanihan dito sa bayan ni Juan...." Sadyang ang pinoy, kahit di mo tawagin o hingan ng tulong, basta na lang lalapit yan at tutulong sa'yo. Swak yan lalo na sa mga baryo, oag me mga fiestahan. ang paghalo sa malaking kaldero o kawan ng mga putahe, ang pag palakol ng mga kahoy na panggatong, ang pagbuhat sa mga mesa o silya. Patok yan sa pinoy, ang pagkamatulungin.

No comments: