SAMU'T SARING KWENTO

...andito lang ako, pag walang magawa at nagsisiksik sa aking utak ang mga kung anu-anong saloobin, kwento, alaala o kung anu mang maisip isulat. meron ding naiisingit na hindi ko orihinal, katuwaan lamang...tara na...kwentuhan tayo.

Wednesday, December 29, 2010

pinoy nga naman



Kakaiba talaga ang pinoy…

Pinoy Ka rin tulad ko.
nasa ibang bansa ka man o nasa Pinas…
sigurado..pinoy na pinoy ka pa rin - sa puso’t diwa…

Madali lang namang mahalata ang pinoy di ba?
Kahit pa ba english (or any foreign language) speaking,
mapapansin mo pa rin.

Unang-una, madalas na nakangiti ang mga pinoy.
Ewan ko ba?
Ganun din yata ako..
kahit di kilala ang katabi pag nagkatinginan, ngingitian mo…
parang respeto ba o pagiging mabuting tao.
hindi suplado/suplada ika nga.

Pag merong kasalubong. “HOY!”, “UY!”…
bakit kaya hindi agad pangalan ang pambati ano?
Tatango na lang tayo madalas pagsagot.
Hindi tulad sa USA, tipong “hi” “hello”.
Dito sa Italya, “Ciao!”
Ano nga ba pambansang pagbati natin sa pang araw-araw?
“Mabuhay!” - gagamitin mo ba ‘yan sa barkada pag nasalubong?

Hindi di ba…
ayokong mag-isip ng ibang salita para bumati…
basta “Hoy!”, intindi na yun.
Minsan nga “Pssst” lilingon na rin.

Agree ka if sasabihin kong halata mo na pinoy, sa airport pa lang..
tagal mag check-in, kasi laging over baggage.
Daming padala si insan, si kumare, si auntie….
naiiwan na nga sariling dala, wag lang maiwan ang ibang padala na hindi sayo.

Ugali na natin yan. “Kakahiya”…”baka me masabi”
Minsan kung iisipin mo, mali di ba?
Pero, wala tayong magawa, hindi tayo makahindi.

Mahilig din ang mga pinoy sa mga kakaning kalye/pang kanto or sidewalk:
Barbe-Q, Banana-Q, kamote-Q…lahat ata ng Q…
mula paa (adidas) ng manok hanggang bituka.
wala na ngang natira sa manok, tsk tsk tsk.
Hindi lugi.

Sa bawat bahay, mas marami yung merong Karaoke/Videoke set, di ba?
Hindi mawawala sa gathering ang kantahan.
Hilig na ng pinoy kumanta (o ngumawa)
Pag lasing na, agawan na sa mic.
Me napatay pa sa kantang “My Way”, nabalitaan mo?
(Matagal na ‘yun)

Pinoy ugali din ang magbigay ng palayaw.
Naitanong sa akin dito yan ng mga Italyano eh.
Bakit daw me pangalan naman, iba pa ang itinatawag.
Dito kasi hindi uso nickname.

Parang tuwa tayo na me kakaibang tawag sa atin.
Ganda na nga ng name:
Lourdes: nagiging Luding
Lovella, ginawang Bilay
Marianne ginawang Aning.

Yung ibang baduy names naging sosy:
Jose naging Joey,
Miguel, naging Migs
Romualdo naging Aldz

Mahilig din tayo sa acronyms –short cut ika nga.
OA - overacting
TNT - tago nang tago
CR - comfort room
Parang sa chatroom, puro short cut:
TYT, BRB, LOL…etc.

Anyway, minsan mapapaisip ka man o hindi sa kakaibang ugali ng Pinoy,
ngingiti na lang tayo.
tutal mas marami pa naman tayong kaaya-ayang ugali di ba?
Mapagkawang gawa
Maasikaso
Masayahin
Marami pa…baka kulangin space ko dito.

Ganun pa man, just be proud of our own race…
Mabuhay ang Pinoy!

No comments: