SAMU'T SARING KWENTO

...andito lang ako, pag walang magawa at nagsisiksik sa aking utak ang mga kung anu-anong saloobin, kwento, alaala o kung anu mang maisip isulat. meron ding naiisingit na hindi ko orihinal, katuwaan lamang...tara na...kwentuhan tayo.

Wednesday, December 29, 2010

hayskul

ansaya ng high school di ba? andaming memories.
pito kaming girls na barkada. bansag sa tropa: 2-2-Bees (parang tutubi) paroon at parini.
'yung mga barkada naming boys, meron ding pangalan ang tropa nila: Unknown Ltd.
ewan ba kumbakit usong-uso nun yung me tawag sa tropa. parang kelangan pa ba'ng iparegister sa patent office? kakatuwa. Fraulein, Fhootsleg, etc. kung ano lang mapagkatuwaang bansag.


tambayan namin sa harap ng simbahan, dun sa me ten commandments sa st. louis parish church.
minsan nakakarating sa sementeryo...naghahanap ng thrill pag vacant time, me bitbit na ice candy o di kaya banana-q.




ang JS Prom? uy, nakaka excite. magsusuot daw kami ng semi-formal. i decided to wear white. you could never go wrong with white ika nga. pinatahi ko pa 'yun sa Dakila sa lucena city. parang 2thousand pesos. mahal na 'yun nun!


hindi ako mahilig mag make-up, pero sabi ng barkada, sumama na lang ako sa kanila. dun sa hairstylist na bading, magaling mag make-up. kaya ayun, papulahan kami ng nguso. uso 'yun eh. patigasan ng buhok sa spraynet.




'yung crush ko? meron ba? meron nga, pero secret syempre. baka mamaya tuksuhin ako ng barkada. 'yung me crush na lang sa akin.
ay! marami...mayabang ako dyan! hahaha.
merong nanghaharana, merong nag-aabot ng love letter, merong nagpapadala ng regalo: figurine o stuffed toy o di kaya'y poster nung dalawang bata na magkatabi. hot na hot yung poster na yun nung 80's.
wala na akong nakikitang ganun.


masarap balikan sa alaala yung high school moments. me umiyak na ba sa aming teacher? nasermonan ba kami ng adviser? mukhang oo ang sagot sa dalawang tanong na 'yan. but, in fairness, hindi naman kami bulakbol. ok naman ang grades namin. in fact, kabilang ako sa top ten.


takot ako sa numbers, so mas madalas bokya ako sa algebra, trigonometry o physics. pero sa english at ibang subjects, aba eh, humahataw naman ako dyan. uso pa spanish subject nung time ko. "adios patria adorada...." minemorize pa namin at nirecite yung napahabang tula ni jose rizal.



field trip sa manila nung fourth year. kung saan-saan namasyal. PAL airport, Fort Santiago, Bahay ni Apolinario de la Cruz, Carnival sa Cubao. syempre exciting, promdi kaya kami.





minsan after school sa "barracks" ang tambay. yun ang tawag namin sa bahay nung kaklase namin. 'yung sa "ex" ko actually. nanonood kami ng betamax, kulitan ang barkada, magpapaluto ng pancit, at bibili ng bulyos o bonete for meryenda. solb na!






nakakatuwa talagang alalahanin ang hayskul. dun lahat nagsimula: friendship, first love, first dance, etc. hanggang ngayon kami pa rin ng barkada. nagkikita-kita pag me chance. me bitbit na asawa at mga anak na. magkakalayo man kami ng bansa, tuloy pa rin ang communication. andyan naman ang emails at FB. buti na lang.


wala nang sasaya pa sa high school days!






No comments: