SAMU'T SARING KWENTO

...andito lang ako, pag walang magawa at nagsisiksik sa aking utak ang mga kung anu-anong saloobin, kwento, alaala o kung anu mang maisip isulat. meron ding naiisingit na hindi ko orihinal, katuwaan lamang...tara na...kwentuhan tayo.

Friday, December 31, 2010

bagong taon


bagong taon na naman. parang kelan lang..kanina lang, 2010 pa. ano na naman kaya ang bubulaga sa taong ito. taon ng kuneho ngayon ayun sa kalendaryo ng mga intsik. sabi nila, swerte daw ang kuneho. aba, sana nga, swertehin ako, tayo at sila. kunsabagay, hindi naman swerte lang ang kailangan para maging matagumpay ang isang tao, o proyekto. dapat ay meron ding pagtityaga, pasensya at katapangan. 'wag nating ilagay ang ating buhay sa "swerte" lang. hindi masamang tumaya sa mga lotto o kung anu-ano pang laro. pero pag aabushin mo na, hindi na maganda.
sabi nga ang bagong taon ay hindi natin masasabing katapusan o simula. umiikot naman ang mundo. tuluy-tuloy ang buhay. hindi naman pwedeng yung naiwan mo sa taong 2010 ay hindi mo na ipagpapatuloy. hindi rin naman pwedeng yung pagkakamali mo sa nakaraang 2010 ay ipagpapatuloy mo pa rin. gawin nating isang inspirasyon ang panibagong pagpasok ng taon.
2011 na. mas sumipag, mas tumulong sa kapwa, mas maging mapagmahal...gawing "mas" ang lahat na ginawa mong positibo noong 2010.
nawa'y maging masagana, matagumpay, masaya at matahimik ang bagong taon ng bawa't tao sa mundo.
Maligayang Bagong taon!

Thursday, December 30, 2010

isang minuto


'wag kang tumungo kung me problema ka..me makikita ka ba sa lupa? tumingala ka...kahit isang minuto lang. manalangin ka..andun ang sagot sa tanong mo. 'wag ka lang mainip. alam NIYA kung ano ang maganda para sa'yo.

nahukay

meron pala akong konting naisulat sa friendster blog. dalhin ko nga dito. para dito na maipon ang mga sinusulat kong tagalog. hindi yung kung saan-saan lang nakapaskel. mahilig ako sa ganyang journal, diary or kung ano pang tawag dun. silipin nga natin...











maigi rin di ba?

pagsusulat

noong bata pa ako, mahilig na talaga akong magsulat. grade one pa lang ako, nagsusulat na ako ng mga maiiksing tula.

"ang pusa kong si muning
ang balat ay puti't itim
pag siya'y humihiling ng pagkain
aking binibigyan ng tinik at kanin."


mga tipong ganyan. sayang lang at di na naitagong mabuti ng aking nanay/tatay. sana maipapahanga ko sa mga anak ko. pero oks lang yun. hanggang ngayon naman, mahilig pa rin akong magsulat. nauso na ang internet, kaya nauso na rin ang blogging, ika nga.

tuwang-tuwa ako pag meron akong nababasa na mga blogs. lalo na't napaka interesado ng topic. masarap din namang magbasa, ngumiti at matuto sa mga binabasa mo.
nagsimula akong mag-blog sa y360. sabi ko, paano ba mag-blog? ikot-ikot muna ako sa paligid. aaaah, ganun pala...pwedeng me mga glitters-glitters, graphics, music at kakaibang backgrounds. ayos ito, sabi ko sa sarili. sige, game!

sayang, nagsara naman ang y360. buti na lang nailipat ko mga blogs ko sa multiply naman. meron na rin akong friendster that time. kung nakakareklamo siguro ang mga blogs ko dahil kung saan-saan ko sila dinadala, matagal na nila akong hinabla. hahaha.
pero, mukhang natabunan ng facebook ang multiply at friendster sites. nalibang naman ako sa facebook games. naku nakakaadik dati ang farmtown, farmville at kung anu-ano pa. sa ibang blogs ko na yun ikukwento.

kaya eto, biglang balik ako sa blogging. nakakasawa naman pala maglaro nang maglaro, aksaya ng oras. kaya, sabi ko sa sarili ko, seryosohin na lang uli pagsusulat. natagpuan ko ang blospot.
gumawa ako ng unang blog, yung LIFE THRU LENS. ika nga, kwento talaga ng buhay ko. Naisip ko rin, para fair, ikukwento ko rin dapat ang tungkol sa mga anak ko. inimbento ko ang THE THREE MUSKETEERS. masyado akong busy sa facebook eh. parang naisip ko rin ba, na mas masarap magsulat at magbasa ng mga tagalog. ito naman ang wika ko talaga. di bale nang hindi maintindihan ng mga banyaga sinasabi ko ngayon dito. basta gusto kong magsulat. mawala man ako sa mundong ito. me maiiwan akong mga salita at mga kwento.

ang simula





ay bakit naman dun ako itinayo sa class piktyur na ito. ayun, yung me guhit na pula, halos hindi ako makita. feeling sumilip lang ako sa piktyur. hahaha. nakakatuwa namang balikan ang eksenang ito. kindergardten kami. limang taon at kalahati ako halos dito sa larawan.
ako naman ay nag-"A-B-C" (a-bi-si).yung tipong papasok din sa isang iskul-iskulan. ako'y saling pusa pa nga at napakabata ko pa daw sa edad na tatlong kalahati. naging honor ako, kaya parang napilitan na silang ipasok ako sa kinder kahit 5 taon lang ako. hindi pa uso ang nursery o prep noon.

hanggang ngayon ay kilala pa ako nyang si Miss Baragula na titser namin sa kinder. Misis na ata sya, hindi ko lang alam kung ano na apelyido nya ngayon. yung iba dyan na kaklase ko, hanggang hayskul ay kaklase ko din. at hanggang ngayon ay kabarkadang tunay talaga. kahit matatanda na kami, este medyo me edad na...wala ba'ng ibang salita na hindi magmumukhang matanda? hayaan ko na..basta masaya at matatas ang aming barkadahan na nagsimula dito sa eskwelahang iyan. habang aming pinag ti tripan ang ibang mga boys sa piktyur dito, panay ang aming pagbabalik ng nakaraan. walang humpay na halakhakan ang inabot namin sa pang-aasar ng mga kaklase namin dito sa piktyur.

sarap balikan kung sa'n kami nagsimula.

lucbanin



ako'y tubong lucban, quezon. dito na ako ipinanganak, lumaki at nagdalaga. masarap balik-balikan sa alaala ang mga nakagisnan ko. ang mga ibang salita na mababasa nyo ay salitang lucbanin.

...Si Nanay ay nasa bahay pag-uwi namin galing sa iskul - PBL, Academy at Lucban National College pa lang noon;

Walang mga bakod ang magkakapit-bahay, kung meron, gumamela lang o kaya, simpleng kawayan; hindi rin uso ang mga grills.

10 sentimos o diyes lang ang baon: singko sa umaga, singko sa hapon: solb na sa pancit habhab at palamig na nasa plastic with straw;

'yung natira sa baon, pambili ng limon.Wala pang mineral water noon.

iigib nga lang sa gripo sa kanto o kaya sa ilog, katalo na;

Masarap kumain ng pancit habhab sa palengke, puto, arroz caldo;

dun sa bohem dati, suki kami. wala pang ground zero at buddy’s ay;

Simple lang ang pangarap: makatapos, makapag-asawa, mapagtapos ang mga anak.

bihira 'yung after kaleyds, abroad agad ang inaasam.

Malaking bagay na ang pumunta sa ilog para mag-picnic, sa bonggo resort, sikat yun noon.

nilalakad lang papuntang samil o malinao, sa me kampo santo naman, matinda;

Mayroon kaming mga laruan na gawa namin at hindi binili: trak-trakan

(gawa sa mga kahon ng sapatos at darigold na maliit ang mga gulong,

maiingay ang mga gulong gawa sa bearing ang gamit sa mga trolleys,

inaarkila pa nga 5centimos isang oras;

Di nakikialam ang mga matanda sa mga laro ng mga bata: kasi laro nga iyon.

Maraming usong laro at maraming kasali: lastiko, gagamba, turumpo, tatsing ng lata, pera-perahan namin ay kaha ng Philip Morris, Marlboro, Champion (kahon-kahon yon!)

May dagta ang dulo ng tinting na hawak mo para makahuli tutubi

o kaya nandadakma ng palaka

Butas na ang sakong ng Spartan mong tsinelas - suot mo pa rin.

magandang bato' 'yun sa piko o kaya tumbang preso.

isali pa ang building body;


Nanlilimahid ang pundilyo ng shorts mo kasi nakasalampak ka sa lupa,

naglalandi ng putik;Pitpit lang ng gumamelang dahon, me instant palobo na;

o kaya bulaklak ng mga damo sa tabi, sibuyas-sibuyasan…lutu-lutuan;



Sa modernong buhay at sa lahat ng kasaganaan sa high technology ngayon,

di ba mas masaya noong araw?

Sana pwedeng maibalik…

Takot tayo ngayon sa buhay. Kasi maraming napapatay, nakikidnap, maraming addict at masasamang loob

Noon takot lang tayo sa ating mga magulang at mga lolo at lola.

Pero ngayon, alam na natin na mahal pala nila tayo kaya’t ayaw tayong mapahamak

o mapariwara kaya panay sermon nila noon sa atin

Nauuna silang nasasaktan pag pinapalo nila tayo…



Balik tayo sa nakaraan kahit saglit --

Bago magkaroon ng internet, Ipod, Ipad, at cellphone.Noong wala pang bars & malls.

Yung malalaking bambang, puno ng tubig, sarap magtampisaw,

habang naglalaba ang mga nanay sa gilid;

Hindi ka magigising sa ingay ng tricycle pag pasukan,

dahil halos lahat naglalakad lang; pag naulan,

sarap maglandi sa tubig. tabi-tabi lalo’t yagpa;

Sa exchange gifts pag pasko, katalo na ang sabon o panyo, tuwa na tayo;

Suki ng kalye sa piko, chinese garter, luksong tinik o

bimbiw kapag maliwanag ang buwan;

Ang pagtatakip mo ng mata pero nakasilip sa pagitan ng mga daliri pag

nanonood ka ng nakakatakot sa "Mga Aninong Gumagalaw"

Ang pagpigil sa hininga habang nakikinig sa DZMM ng "Gabi ng Lagim"

Pag-akyat natin sa mga puno; pagkakabit ng kulambo;

lundagan sa kama, naglalambitin sa kisame;

Nginig na tayo pag lumabas na ang sinturon ni tatay o ang walis tambo ni nanay.

Nai-sako ka rin ba?

O kaya naglagay ka ba ng karton sa pwet para hindi masakit ang tsinelas o sinturon pag napapalo?

Pamimili ng bato sa bigas, pagtatanggal ng buto ng bitswelas…me upa bawat isang takal;

Tinda-tindahan na puro dahon naman,

bahay-bahayan na puro kahon;

naglako ka ba ng ice-candy o pandesal noong araw pag bakasyon?

Karera sa takbuhan hanggang maubos ang hininga;

pagtawa hanggang sumakit ang tiyan;

Meron pa bang naglalaro ng tibig, kulitis, foot jump, hulahoop?

O kaya jack & stone?

Takot tayo sa "sipay", sa "kapre", o nuno sa punso;

Sa gabi pag sabado, basta me cassette player, tugtugan,

sayawan sa kalye, tapos papaluto ng pancit, kuha ng bahaw!

Pag bakasyon, me liga ng basketbol sa patyo,

kanya-kanyang kantyaw bawat kampo;



Pag recess: mamimili ka sa garapon ng tinapay - alembong, panggasyosa, tikman, lakas?

Pwede ring ang sukli ay limon, o kending Vicks (meron pang libreng singsing)

Mauling na ang mukha at ubos na ang hininga mo sa ihip kasi mahirap magpa-rikit ng apoy,

gamit ang ipa o bualaw.

Ang liputi kapag kinalunggo sa asin sarap kainin, kahit madagta,

mamya pula na ang damit o dila,

Ang isa-sang isubo ang daliri kasi puno na ng kanin.

Halo-halo: yelo, asukal at gatas lang ang sahog;

Sakang ang lakad mo at nakapalda ka kasi bagong tuli;

naghahanap ka ng chalk kasi tinagusan ang palda mo sa eskwelahan.

gasa lang naman ang gamit na pasador.

Tinitiklop ang banig pagkagising;

matigas na almirol ang mga punda at kumot;

madumi ang manggas ng damit mo kasi doon ka nagpapahid ng sipon,di ba?

Pwede rin sa laylayan…

May mga program kapag Lunes sa paaralan. dun sa Lukda, yun lagi ang stage;

May dala kang pang as-is kung Biyernes kasi toka mong cleaner ng desk.

Ansaya!

Naalala mo pa ba?

Wala nang sasaya at gaganda pa sa panahon na 'yon…

At masaya pa rin tayo ngayon habang ina-alaala iyon…



Di ba noon…

Awit muna: Penpen de Serapen, de kutsilyo, de almasen.

How how the carabao batuten…

Presidente ng klase ay ang pinakamagaling,

hindi ang pinaka-mayaman;

Masaya na tayo basta sama-sama kahit hati-hati sa kokonti;

Nauubos ang oras natin sa pagku-kwentuhan, may oras tayo sa isat-isa;

Naaasar ka kapag marami kang sunog sa sungka;

kapag buro ka sa pitik-bulag o matagal ka ng taya sa holen.



Yung matatandang kapatid ang pinaka-ayaw natin pero

sila ang tinatawag natin pag napapa-trouble tayo.

Di natutulog si Inay, nagbabantay pag may trangkaso tayo;

meron tayong skyflakes at Royal sa tabi.



Kung naaalaala mo ito…

Pustahan tayo nakangiti ka!

Nasa iyo naman ang susi ng ALAALA,

Bumalik ka minsan sa nakaraan,

libre yun...

Wednesday, December 29, 2010

alpabeto ng bloggers




A

is for Alone - masarap mag-isa para walang kaagaw sa pc.
B

is for Bed. aabutan na ng gabi na undone ang bed. (magugusot din naman..hayaan na lang)
C

is for Canned goods. sayang ang time sa pagluluto, istorbo sa pagcocomputer.
D

is for “Don’t touch my pc. Baka kalbuhin kita!”
E

is for emergency (Definition: an emergency is when you have no internet connection)
F

is for Friends (mga kasama sa kwela, walang sawa sa blogs, comments and chats)
G

is for Gadgets: portable kitchen sa room kung nasan ang pc, remote controlled keyboards, 3D webcam,etc.
H

is for HELP! Nagbrown out! Lowbat ang laptop, o walang generator.
I

is for “I’m Busy”. Nakadikit ang nguso sa pc.
J

is for Jokes. Hindi pwedeng laging seryoso.
K

is for KJ. Killjoy naman ang kids, better-halves pag nang-agaw ng pc.
L

is for Lonely. Malungkot pag di nakapindot ng pc.
M

is for More time to blogs.
N

is for NOT AGAIN! (Pag nakagawa ka na ng blog with all your efforts tapos biglang nag hang at di mo na save).
O

is for “One” hour leading to twelve hours typing.
P

is for “PLEASE, don’t call me while nasa mood akong mag blog.” nawawala ang momentum.
Q

is for Questions, quizzes or quotes used for blogging.
R

is for REST. “rest ko na nga yung gumamit ng pc.tapos ko na naman gawaing bahay” (kunwari)
S

is for SORRY, “Sorry ha, nalimutan kong magprepare dinner, gabi na pala, kala ko 10am pa lang.”
T

is for TODAY. Today, pramis maglilinis muna ako bago humarap sa pc. Parang diet din ‘yan eh, di matuloy.
U

is for Unique. Kakaibang talent yung maghapon, magdamag sa pc ha. unique!
V

is for Violet. Sa tagal ng pwet sa chair, hindi na red, violet na.
W

is for WORK. Bakit? work din naman ang magblog ah? effort din.
X

is for X-tension- Sandali na lang, 10 minutes more. (or 10 hours!)
Y

is for YOU, me & them na blog addicts.
Z

is for Zip. Dont forget to zip your pants or whatever. kasi nagmamadaling umupo ulit.

pandesal





"Pandesaaaaaaaaal"....yan ang madalas kong naririnig pag madaling araw nung nasa pinas pa ako. ang sarap nga naman ng pandesal. kahit ano'ng ipalaman, ayos yan. sandwich spread, jam, peanut butter, itlog, corned beef, sardinas...name it, pandesal can handle it.
pero ang pinakang-winner para sa akin yung liver spread. swabe, lalo na't bagong ahon pa lang ang pandesal sa oven.
nakakamiss nga naman pag nasa ibang bansa ka. pero teka...pwede namang palang gawin dito. konting mirakulo lang at seremonyas, lasang pandesal na rin.

kwentong kaleyds




50 mga di ko malilimutan nung college pa ako. sa CEU ako nagtapos, sa mendiola, manila. mga 90's!

50) first year ako sa CEU, ilang beses ba akong naliligaw sa mga buildings at classroom. ang alam ko lang canteen. maliit lang naman pala nung kalaunan. medyo me kalumaan na nga lang. siguro naman renovated na ngayon.

49) bumabaha sa recto. lakad pauwi... sira ang sapatos sigurado

48) bopis, longganisa, pritong itlog: pagkain namin lagi sa bahay. board and lodging kasi kami.

47) Webster sa me kanto ng recto malapit sa CEU, lagi ako dun, ikot-ikot

46) Corona school supplies, sa me kanto din ng mendiola. madalas akong greetings card ang binibili dun at bookmarks

45) San Beda boys na mga gwapings at badings sa tapat ng school.

44) La Consolacion College. kapitbahay naming school. Nag-klase rin kami dyan ng ilang buwan nung minsang nag rerenovate sa CEU.

43) CEU uniform na animo'y masahista kami. ibinababa namin ang belt, para hipster ang dating.

42) baked macaroni or pancit: ang walang kamatayang order ng barkada sa canteen

41) puding. laging dala ng classmate ko, maigi ring meryenda.

40) library, suki ako dyan. pag vacant din lang, read lang ako ng read at borrow ng books

39) leotards and skirt for PE uniforms. yaks, ang baduy!

38) pwede pa dati naka CEU t-shirts kami and pants pag friday eh.

37) Ma'am Hernandez, ang terror ng group dynamics. sa loob lang ng classroom. pag wala kami sa room, super bait naman nya. asa'n na kaya sya?

36) 'Yung teacher namin sa developmental psychology, nalimutan ko na ang name..na halos naubos na oras namin sa mga kwento nya sa buhay. =)

35) quek-quek, isaw, bituka, bbq, banana q, kamote q..nagkalat sa recto

34) round trip. wise talaga mga drivers, palibhasa trapik, doble tuloy pamasahe namin

33) Jollibee sa legarda. suki kami dyan

32) "mga kababayan" ni Francis M. super patok those times

31) ang malakas na lindol noon na nagpabagsak sa Hyatt Hotel sa Baguio at maraming school sa North. buti na lang foundation day ng CEU, wala kaming pasok.

30) Pretty Woman movie. ilang beses ko ba'ng pinanood yun?

29) ang mga compulsary na tickets sa school, na ewan ba, sapilitan lagi. me extra points daw pag bumili.

28) NCMH. national center for mental health. ang nakaka excite na mundo ng mga me sakit sa utak. mahigit 2 buwan din kaming nakadestino yata dun. intact pa naman utak ko nung natapos OJT.

27) ang 3 heeled white shoes, na nang torture sa maliliit kong paa. hahaha.

26) National Library, na halos bulatlatin na naming magkaka-klase ang buong building, kaka research ng mga psychological evaluation and projects na 'yan

25) CEU lobby. vacant period, tambay lang, lahat ng dumadaan me comment kami ng barkada, bulungan..."gwapo nun"..."ay baduy naman"...

24) Graduation sa PICC, yehey!

23) ang mga makabagbag damdaming iyakan at confessions sa retreat sa Don Bosco church sa batangas.

22) 'yung napili ang thesis paper namin sa contest. aba, proud naman kami. ako lider-lideran ng tropa. naka 94% naman kami ng grade sa defense. pero di naman kami nanalo sa contest. oks lang.

21) 'yung one time na nag walk out kami sa class at sumali kami sa rally-rally with the students of CEU. napagalitan kami ng adviser, hahaha. "class, let's have a quiz, parusa nyo!"

20) MET. metropolitan theater. madalas kaming manood ng plays dyan. as in required!

19) Sem-break, nakakarating sa cavite, nangunguha ng pinya...

18) table tennis. hindi ako marunong. natuto lang sa PE. ayoko ng swimming, mas hindi ako marunong nun.

17) National Book Store. ayan, suki ako dyan. mahilig akong bumili ng books at cassette tapes pa noon, lalo na pag me discount or on sale.

16) Mr. Nograles, ang fave teacher ko. Consumer Math subject yun. hindi naman ako magaling sa numbers, pero lagi nya akong binibigyan ng flat 1 na grade. (me crush sa 'kin?) isip ko lang yun. hahaha. in fairness, matyaga naman talaga ako dun....na pumasok, hahaha.

15) Foreigner classmates. sila ba 'yung tipong concentrate ka sa explanation ng teacher tapos kukuhitin ka, magtatanong kung ano ang sinasabi ng teacher. mostly iranians, pakistanis classmate ko sa pre-dentistry.

14) yes, Pre-dentistry po ang una kong course, after 2 years, nagshift na ang beauty ko. i made up my mind na sa psychology talaga ang nasa puso ko. charing!

13) bakit nga ba walang sumusundo sa akin sa school? kakainggit minsan mga classmates ko, me mga nakaabang na sa gate: knights in shining armours nila. ako wala! conflict naman kasi sked ng bf ko sa sked ko. sige na nga malayo ang Mapua sa CEU, pampalubag loob. =)

12) ang di-bombang gas na lutuan. na minsan ang hirap gamitin, nangangasunog pa ang buhok ng utol ko kakasindi.

11) ang inuman blues sa hagdanan, habang bumabaha sa loob ng boarding house namin sa palmera street. tuloy ang tagayan, kantahan at kwentuhan.

10) red typewriter. maraming kinita yun. nasa'n na nga ba yung fave kong typewriter na yun? raket ko na kasi mag type ng thesis, reaserch papers. 4pesos din per page. pang-allowance na rin.

9) telebabad. dahil sa contest sa radyo, lagi kaming nasa telepono. "Revicon everyday, ito ang kompleto". yun lang sasabihin with full power and emotion, me premyo na. sa'n na nga ba'ng radio station yun? 89.9?

8) sunog. naku 1990 ata yung malaking sunog sa apartment kung saan kami nakatira. yung aming unit lang natira. naging call center tuloy ang bahay namin. yung mga bagong dating from xmas vacation, nagulantang at tupok ang bahay, gamit, etc nila. sa amin muna nakitulog at kain yung iba.

7) villaverde. pag wala kaming allowance padala sa villaverde express. yun ay sasakyan na lucbanin kung saan pwedeng magpadala si tatay ng allowance o pagkain papuntang manila. kumakatok yun, madaling araw pa lang. "Teena, paktura" sinisigaw na 'yun sa gate namin.

6) sardinas at meatloaf. winner na winner na ulam pag walang mailuto. ginagawa pa naming sauce ang sardinas sa pasta. masarap din pala.

5) trobol. sa kalye namin sa tinitirhan ko (Palmera St, sa sampaloc, manila) maraming siga ang nakatira dun. sanay na kami sa lumilipad na bote at naghahamunan ng away lalo't mga lasing na.

4) Balic-balic. dyan kami lumipat nung ako'y third year college na.

3) Karaoke. ang kapitbahay iniistorbo namin kaka-kanta (o kakasigaw) kahit walang okasyon. mga feeling singers.

2) Morayta. Ever. Shakey's. Dimsum, Chowking, Cindy's...suking tambayan pag vacant period.

1) rally at strike sa mendiola. patok 'yan. walang pasok sa school. Yehey!

pinoy nga naman



Kakaiba talaga ang pinoy…

Pinoy Ka rin tulad ko.
nasa ibang bansa ka man o nasa Pinas…
sigurado..pinoy na pinoy ka pa rin - sa puso’t diwa…

Madali lang namang mahalata ang pinoy di ba?
Kahit pa ba english (or any foreign language) speaking,
mapapansin mo pa rin.

Unang-una, madalas na nakangiti ang mga pinoy.
Ewan ko ba?
Ganun din yata ako..
kahit di kilala ang katabi pag nagkatinginan, ngingitian mo…
parang respeto ba o pagiging mabuting tao.
hindi suplado/suplada ika nga.

Pag merong kasalubong. “HOY!”, “UY!”…
bakit kaya hindi agad pangalan ang pambati ano?
Tatango na lang tayo madalas pagsagot.
Hindi tulad sa USA, tipong “hi” “hello”.
Dito sa Italya, “Ciao!”
Ano nga ba pambansang pagbati natin sa pang araw-araw?
“Mabuhay!” - gagamitin mo ba ‘yan sa barkada pag nasalubong?

Hindi di ba…
ayokong mag-isip ng ibang salita para bumati…
basta “Hoy!”, intindi na yun.
Minsan nga “Pssst” lilingon na rin.

Agree ka if sasabihin kong halata mo na pinoy, sa airport pa lang..
tagal mag check-in, kasi laging over baggage.
Daming padala si insan, si kumare, si auntie….
naiiwan na nga sariling dala, wag lang maiwan ang ibang padala na hindi sayo.

Ugali na natin yan. “Kakahiya”…”baka me masabi”
Minsan kung iisipin mo, mali di ba?
Pero, wala tayong magawa, hindi tayo makahindi.

Mahilig din ang mga pinoy sa mga kakaning kalye/pang kanto or sidewalk:
Barbe-Q, Banana-Q, kamote-Q…lahat ata ng Q…
mula paa (adidas) ng manok hanggang bituka.
wala na ngang natira sa manok, tsk tsk tsk.
Hindi lugi.

Sa bawat bahay, mas marami yung merong Karaoke/Videoke set, di ba?
Hindi mawawala sa gathering ang kantahan.
Hilig na ng pinoy kumanta (o ngumawa)
Pag lasing na, agawan na sa mic.
Me napatay pa sa kantang “My Way”, nabalitaan mo?
(Matagal na ‘yun)

Pinoy ugali din ang magbigay ng palayaw.
Naitanong sa akin dito yan ng mga Italyano eh.
Bakit daw me pangalan naman, iba pa ang itinatawag.
Dito kasi hindi uso nickname.

Parang tuwa tayo na me kakaibang tawag sa atin.
Ganda na nga ng name:
Lourdes: nagiging Luding
Lovella, ginawang Bilay
Marianne ginawang Aning.

Yung ibang baduy names naging sosy:
Jose naging Joey,
Miguel, naging Migs
Romualdo naging Aldz

Mahilig din tayo sa acronyms –short cut ika nga.
OA - overacting
TNT - tago nang tago
CR - comfort room
Parang sa chatroom, puro short cut:
TYT, BRB, LOL…etc.

Anyway, minsan mapapaisip ka man o hindi sa kakaibang ugali ng Pinoy,
ngingiti na lang tayo.
tutal mas marami pa naman tayong kaaya-ayang ugali di ba?
Mapagkawang gawa
Maasikaso
Masayahin
Marami pa…baka kulangin space ko dito.

Ganun pa man, just be proud of our own race…
Mabuhay ang Pinoy!

pakopya

disclaimer: kinopya lang sa isang blog na nabasa ko. natuwa lang po ako.

Dear Mr. Bob Ong,

Matagal ko na pong nililigawan itong ramp model na stage actress na nakilala ko recently sa isang party. Nasisiraan na ako ng bait. Pag nakilala mo siya, tiyak matutunaw ang utak mo sa kakaisip sa kanya.

Hingi lang po ako ng advice. Paano ko po siya mapapaibig? Bibigyan ko ba siya ng tula ? Haharanahin ko ba siya? Roses? Kalachuchi? Chocnut at sampaguita?
In lab na po ako. Ano po ang gagawin ko? Is she the one.
Lubos na gumagalang,

Bartolome


- ANG REPLY –


Dear Bartolome,

Hindi ka talaga sasagutin niyang nililigawan mo. Napaka-old school kasi ng mga tactics mo. Wala nang gumagawa ng ganyan. Sa panahon ngayon, lahat ng bagay, nagtaas na. Nagtaas na ang gasolina, nagtaas na ang presyo ng bigas at mga bilihin, nagtaas na ang pamasahe, at lalong nagtaas na rin ng standards ang mga babae. Hindi na uubra yang siopao at kalachuci mo. Lalo na yung huli mong binigay, hopia at santan. Ano ba pare? Ano’ng era ka ba pinanganak?
Pero don’t worry. It’s not too late. May pag-asa ka pa. Hindi pa naman siya kinakasal at di pa niya sinasagot yung crush niya na basketball player. Kahit lamang siya ng sampung paligo sa’yo, daanin mo sa utak at creativity. Dahil aminin na natin, iyon na lang talaga ang pag-asa mo. Heto, bibigyan kita ng mga simple, tried and tested na mga regalo para di siya mapurga sa hopia at siomai. Sundin mo ‘to, tiyak na lalaglag ang bagang niya sa’yo. Mga medyo more than your usual regalong panligaw:

Bili ka ng century tuna. Ilagay mo sa isang napakalaking box—yung sinlaki ng TV o kaya box ng desktop PC mo. Tapos balutan mo ng magarang pambalot. Kuntsabahin mo na yung teacher niya sa Calculus. Sa gitna ng klase, bigla kang kumatok sa classroom. Pero dapat, incognito ka. Magsuot ka ng LBC jacket, magshades, at magsuot ng surgical mask. Pagpasok mo sa classroom, iabot mo yung box sa teacher, at papirmahin mo ng acknowledgement receipt. Tapos pabuksan mo in front of everyone. Tignan mong mabuti ang reaction sa mukha niya.

Later during the day, pag tinanong niya kung bakit Century Tuna ang binigay mo, iikot mo yung lata at ituro mo yung sign na “Omega 8.” Pag tinanong niya kung ano yung Omega 8, sabihin mo: “because you’re good for my heart.”

Mangolekta ka ng isang dosenang hanger na libre mong nakukuha tuwing nagpapa-dry clean ka. Tapos, sa bawat hanger, isulat mo: “I miss hanging out with you.”

Instead of roses, kuha ka ng tissue paper sa banyo ng school mo. Gawin mong tissue paper roses. Gawa ka ng isang dosena. Pag-abot mo, sabihin mo, “Ganito kalinis ang pag-ibig ko sa’yo.”

Bili ka ng tetra pack ng mantikang Minola. Tapos bilugan mo yung “with Omega 8.” Hindi na siya magtatanong kung bakit.

5. Bigyan mo ng ice cream cone. Dapat cone lang at walang ice cream. Pag hinanap niya yung ice cream, sabihin mo, “natunaw na kakatitig sa’yo.”

6. Bili ka ng sandosenang box ng crayola. Kolektahin mo lahat ng black. Lagay mo sa isang box ng crayola. Sa likod, isulat mo: “Walang kulay ang buhay kung wala ka.”

Bigyan mo siya ng mumurahing bumbilya. Alam mo na siguro by this time kung ano ang isasagot pag tinanong niya kung bakit. (para sa mga hindi maka-“gets”, kapag tinanong ka, ang sagot mo ay, “sapagkat, ikaw lamang ang tanging ilaw at liwanag sa buhay ko”, o kaya naman ay, “you light up my life”…

8. I-text mo siya ng: “Hindi tayo tao, hindi tayo hayop, hindi tayo halaman. Bagay tayo. Bagay!”

Bigyan mo siya ng calling card ng MMDA. Sa likod, isulat mo “para pag nagkabanggaan ang puso natin.”

Padalhan mo ng Happy Meal pero huwag mong ibibigay yung libreng laruan. Paghinanap niya, sabihin mo: “Ako yung freebie, at ikaw yung meal na nagpapahappy sa’kin.”

Sunugin ang kanyang bahay at padalhan ng hallmark card: "aanhin mo pa ang bahay mo, kung matagal ka nang nakatira sa puso ko"

12. Pagatapos sunugin ang kanyang bahay, padalhan siya ng isang box ng posporo, Guitar brand. unahan ang kanyang galit at sabihin, "ayan ang posporo na ginamit ko sa pagsunog ng iyong bahay, match na tayo"

Sa kalagitnaan ng isang malupit na bagyo, pasalubungan sya ng "salbabida", wag payong, o mainit na mami. Pag nagtanong bakit? ang isagot mo ay " ayaw kong malunod ka sa pag mamahal ko."

14. Pag pumayag na siyang makipagdate, dalhin mo siya sa canteen at huwag bibitawan ang kamay. Pag tinanong niya kung bakit, ituro mo yun sign na “don’t leave your valuables unattended”

Handang tumulong lagi,

-Bob Ong-

usapang pinoy

matagal ko na itong ginawang site na ito. active chatter pa ako nun. mga 3 years ago. ngayon ko lang uli pinansin. para ma i-share dito. wala na namang mga aktibo dun. lahat halos nag pe-facebook na.
dadahan-dahanin ko na lang ilipat dito ang mga nakasulat dun.

http://usapangpinoy.wetpaint.com/

ipinasa lang

hindi ako masyadong nagbabasa ng mga forwarded emails. madalas hindi ko na binubuksan, erase agad. pero eto, patok!

Parental Wisdom - Filipino Style



Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga mumunti ngunit ginintuang butil na payo na nakuha ko sa aking mga magulang.

1. Si Inay, tinuruan niya ako HOW TO APPRECIATE A JOB WELL DONE:

"Kung kayong dalawa ay magpapatayan, doon kayo sa labas! Mga leche kayo, kalilinis ko lang ng bahay."

2. Natuto ako ng RELIGION kay Itay:

"Kapag yang mantsa di natanggal sa carpet, magdasal ka na!"

3.Kay Inay ako natuto ng LOGIC:

"Kaya ganyan, dahil sinabi ko."

4. At kay Inay pa rin ako natuto ng MORE LOGIC:

"Pag ikaw nalaglag diyan sa bubong, ako lang mag-isa ang manonood ng sine."

5. Si Inay din ang nagturo sa akin kung ano ang ibig sabihin ng IRONY:

"Sige ngumalngal ka pa at bibigyan talaga kita ng iiyakan mo!"

6. Si Inay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang
CONTORTIONISM:

"Tingnan mo nga yang dumi sa likod ng leeg mo, tingnan mo!!!"

7. Si Itay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang ibig sabihin ng STAMINA:

"Wag kang tatayo diyan hangga't di mo nauubos lahat ng pagkain mo!"

8. At si Inay ang nagturo sa amin kung ano ang
WEATHER:

"Lintek talaga kayo, ano ba itong kuwarto nyong magkapatid, parang dinaanan ng bagyo!"

9. Ganito ang paliwanag sa akin ni Inay tungkol sa CIRCLE OF LIFE:

"Malandi kang bata ka, iniluwal kita sa mundong ito, maari rin kitang alisin sa mundong ito."

10. Kay Itay ako natuto kung ano ang BEHAVIOR
MODIFICATION:

"Tumigil ka nga diyan! Huwag kang umarte na parang Nanay mo!"

11. Si Inay naman ang nagturo kung anong ibig sabihin ng GENETICS:

"Nagmana ka nga talaga sa ama mong walanghiya!"

12. Si Inay naman ang nagpaliwanag sa amin kung anong ibig sabihin ng ENVY:

"Maraming mga batang ulila sa magulang. ÊDi ba kayo nagpapasalamat at mayroon kayong magulang na tulad namin?"

13. Si Itay naman ang nagturo sa akin ng ANTICIPATION:


"Sige kang bata ka, hintayin mong makarating tayo sa bahay!"

14. At si Itay pa rin ang nagturo kay Kuya kung anong ibig sabihin ng RECEIVING:

"Uupakan kita pagdating natin sa bahay!"

15. Si Inay naman ang nagturo sa akin kung ano ang
HUMOR:

"Kapag naputol yang mga paa mo ng pinaglalaruan mong lawnmower, wag na wag kang tatakbo sa akin at lulumpuhin kita!"

16. At ang pinakamahalaga sa lahat, natutunan ko kina Inay at Itay kung ano ang JUSTICE:

"Balang araw magkakaroon ka rin ng anak...tiyak magiging katulad mo at magiging sakit din sa ulo!"

adik

Naku!
Umaga na pala...
tumitilaok na yata ang manok.
Mulat ka pa?
...wala ka bang relo?
(kunwari ka pa)
Nung namigay kasi si Lord ng virtue ng "pagtatyaga"
nauna ka sa pila,
aminin...
tsk tsk..
pero hindi ka nag-iisa..
madami ring sumalo nun.
aminin mo man o hindi,
meron kang special talent -
"the ability to sit down for hours in front of pc",
aba, gift yun ha..(hahaha)
O sige tseklist tayo...
ADIK ka if:
* hindi ka makakain sa tamang oras...kasi libang ka sa pc.
* kumakain ka minsan sa harap ng pc,
habang nagtatype
* paggising mo, turn on mo muna pc, with the alibi na
baka me emails na important
hmmm?
* mainit ang ulo mo pag walang signal or internet connection...
o di ba?


Ako rin naman Adik.


di ka nag-iisa...

hayskul

ansaya ng high school di ba? andaming memories.
pito kaming girls na barkada. bansag sa tropa: 2-2-Bees (parang tutubi) paroon at parini.
'yung mga barkada naming boys, meron ding pangalan ang tropa nila: Unknown Ltd.
ewan ba kumbakit usong-uso nun yung me tawag sa tropa. parang kelangan pa ba'ng iparegister sa patent office? kakatuwa. Fraulein, Fhootsleg, etc. kung ano lang mapagkatuwaang bansag.


tambayan namin sa harap ng simbahan, dun sa me ten commandments sa st. louis parish church.
minsan nakakarating sa sementeryo...naghahanap ng thrill pag vacant time, me bitbit na ice candy o di kaya banana-q.




ang JS Prom? uy, nakaka excite. magsusuot daw kami ng semi-formal. i decided to wear white. you could never go wrong with white ika nga. pinatahi ko pa 'yun sa Dakila sa lucena city. parang 2thousand pesos. mahal na 'yun nun!


hindi ako mahilig mag make-up, pero sabi ng barkada, sumama na lang ako sa kanila. dun sa hairstylist na bading, magaling mag make-up. kaya ayun, papulahan kami ng nguso. uso 'yun eh. patigasan ng buhok sa spraynet.




'yung crush ko? meron ba? meron nga, pero secret syempre. baka mamaya tuksuhin ako ng barkada. 'yung me crush na lang sa akin.
ay! marami...mayabang ako dyan! hahaha.
merong nanghaharana, merong nag-aabot ng love letter, merong nagpapadala ng regalo: figurine o stuffed toy o di kaya'y poster nung dalawang bata na magkatabi. hot na hot yung poster na yun nung 80's.
wala na akong nakikitang ganun.


masarap balikan sa alaala yung high school moments. me umiyak na ba sa aming teacher? nasermonan ba kami ng adviser? mukhang oo ang sagot sa dalawang tanong na 'yan. but, in fairness, hindi naman kami bulakbol. ok naman ang grades namin. in fact, kabilang ako sa top ten.


takot ako sa numbers, so mas madalas bokya ako sa algebra, trigonometry o physics. pero sa english at ibang subjects, aba eh, humahataw naman ako dyan. uso pa spanish subject nung time ko. "adios patria adorada...." minemorize pa namin at nirecite yung napahabang tula ni jose rizal.



field trip sa manila nung fourth year. kung saan-saan namasyal. PAL airport, Fort Santiago, Bahay ni Apolinario de la Cruz, Carnival sa Cubao. syempre exciting, promdi kaya kami.





minsan after school sa "barracks" ang tambay. yun ang tawag namin sa bahay nung kaklase namin. 'yung sa "ex" ko actually. nanonood kami ng betamax, kulitan ang barkada, magpapaluto ng pancit, at bibili ng bulyos o bonete for meryenda. solb na!






nakakatuwa talagang alalahanin ang hayskul. dun lahat nagsimula: friendship, first love, first dance, etc. hanggang ngayon kami pa rin ng barkada. nagkikita-kita pag me chance. me bitbit na asawa at mga anak na. magkakalayo man kami ng bansa, tuloy pa rin ang communication. andyan naman ang emails at FB. buti na lang.


wala nang sasaya pa sa high school days!